Gotta Have Her (9)

1.5K 45 1
                                    


October 25, 2013 (Araw ng fieldtrip)

Halos dalawang linggo ng hindi nagkikibuan at hindi nagpapansinan sila Kimberly at Joshua. Pareho silang mapride, mga 100th floor building yung taas ng pride ng dalawa at wala silang balak magbati.

4am palang marami ng estudyante sa tapat ng school, nandun narin sila Kimberly at Joshua. Halos magkatapat lang sila dahil nakapila sila sa section nila, pero wala paring kibuang nangyayari sa dalawa. Halata na nga ng mga classmates nila na LQ sila. Nakacrossed arms si Kim at nasa bulsa naman kamay ni Josh habang nakaheadset.

"Hi Josh!" Bumaba ng saksakyan si Heather, mula sa mayamang pamilya si Heather kaya hatid sundo ito ng driver nila.

Sumabit sa balikat ni Josh si Heather at kinukwentuhan lang sya nito. Si Kimberly parang Mount. Mayon na konting bunggo nalang sakanya ni Heather sasabog na sya. Buti nalang dumating na yung mga bus at unti unti ng gumagalaw yung pila nila. Naunang makapasok ng bus sila Josh at Heather at ilang classmates, sunod sila Kim at Pao naman. Nasa likod sila Josh at mga apat na upuan ang agwat nila kila Kim at Paoline. Feel na feel ni Heather yung balikat ni Josh dahil pinatong nya ang ulo nya dito at nagkukunwariang tulog. Wala naman magawa si Joshua kundi wag gumalaw para hindi mahulog ulo ni Heather. Nakaheadset parin sya pero ang mata nya nasa upuan kung nasaan si Kimberly. Sa may bintana umupo si Kim ng bigla syang tumayo para ayusin yung aircon. Nahuli nyang nakatingin sakanya si Joshua at seryoso ang mukha, pero nasira ang moment nya ng makita nyang nakapatong ulo ni Heather sa balikat ni Josh kaya inirapan nya ito.

"Kim, ano ba pinagawayan nyo ni Josh?" Out of nowhere na tanong ni Pao kay Kim.

"Honestly, hindi ko alam sa taong yun. Dapat nga ako pa magalit kasi imbes na ako katabi nya si---" Nagulat si Kim dahil yung iniisip nya biglang lumabas nalang sa bibig nya. Tumawa naman si Pao sakanya.

"Hahaha selos ka kay Heather? Ano ka ba we both know na numero uno kang crush ni Joshua. He'll come around just wait, or ikaw lumapit sakanya kasi ikaw lang naman yung nagseselos dyan."

"Ako? Nagseselos? Nako, Pao wag ako iba nalang." Inaayos nya yung unan nya dahil nagbabalak syang matulog ng biglang nagsalita si Mrs. Campo sa harap ng bus at may mic pa. (Syempre hindi mawawala si Mrs. Campo sa fieldtrip)

"How's everybody?"

Classmates: SLEEPYYYY!

Nagtawanan sila at nagsimula ng umandar yung bus.

"Alright, our next destination: National Museum"

Classmates: AJAAA!!!
Nagtaasan ang kamay ng buong klase at nagbatuhan ng pagkain.

"At dahil mahaba habang byahe ang tatahakin natin, we are going to play a game. Who can sing?"

Umingay sa loob ng bus at nagtuturuan ang mga estudyante na si ganito ganyan daw magaling kumanta. Walang naintindihan si Mrs. Campo kaya bumunot nalang sya ng estudyanteng kakanta at ang nabunot nya ay si..

"Heather Aragon." Tumayo agad si Heather at willing na willing kumanta at sinabi pa nyang idededicate nya daw to sa crush nya na nagsisimula sa letter 'J'.

"Pa-anonymous pa, parang hindi naman namin kilala kung sino yang J na yan." Pinalo ni Pao sa Kim dahil bumubulong ito sa upuan nya.

Bumunot si Mrs. Campo ng kakantahin ni Heather at ang nabunot nya ay Baby by: Justin Bieber. Binigyan nya ng Mic si Heather at sinimulan ang tugtog, para kasing Videoke nasa monitor yung lyrics.

Kim snorted. "Alright, earphones up and prepare for the bomb!" Tumawa si Pao at nagsimulang kumanta si Heather habang nakatakip naman ang tenga ni Kimberly.

"Baby, baby, baby oh! Now baby, baby baby no! Now baby baby baby Noo!---Now, I can't believe that we're here together. I wanna play it cool, but I'm losing you, I want it anything--" Naghiyawan ang mga ibang kaklase nila dahil biglang humarap si Heather kay Joshua hinawakan ang kamay nito at sinasayawan pa nya ito. Ngumingisi lang si Joshua pero nakatingin parin sya sa upuan ni Kim na kasalukuyang nakatalukbong ng unan sa ulo.

Natapos ang kanta ni Heather at nagpalakpakan ang ibang lalaki dahil crush nila si Heather yung iba pumalakpak lang kasi nakakatawa pinaggagagawa ni Heather kanina.

Bumunot ulit si Mrs. Campo ng susunod na kakanta at nabunot si Kimberly. Nagtago sya agad sa ilalim ng upuan pero binisto sya ni Pao.

"She's here!!!" Nakatayo pa si Pao at tinuturo yung upuan ni Kim. Natatawa si Joshua dahil tanaw nya si Kim na nagtatago sa ilalim.

"Come on Kimberly, wag KJ we should have fun right?" Sinundo sya ni Mrs. Campo at binigay sakanya yung Mic. Napapakamot pa ng ulo pa si Kim pero no choice sya.

Habang bumubunot si Mrs. Campo ipinagdadasal ni Kim na Macarena nalang kantahin nya para puro Macarena Macarena lang sasabihin nya but unfortunately, it was..

"Girlfriend by: Avril Lavigne." Nagsimulang tumugtog yung intro at nagsimulang kumanta si Kimberly.

"Ok let's have some fun people!" Naghiyawan ang mga estudyante sa pagsigaw ni Kimberly at yung iba nagsitayuan na.

Umikot sya sa likod at tinuro ang upuan nila Joshua.

"Hey! hey! You! You! I don't like your girlfriend! No way! No way! I think you need a new one. Hey! hey! You! You! I want to be your girlfriend! Tenenenen! Tenenenen!" Enjoy na enjoy si Kimberly sa pagkanta habang yung mga classmates nila nakikikanta at nagsisitayuan para makikanta kay Kim. Ang ingay na ng bus nila. Si Joshua naman na seryosong seryoso ang mukha kanina, ngayon tumatawa na dahil sa pinaggagagawa ni Kim.

"Baliw ka talaga Kim." Bulong ni Joshua at nakatingin parin sya kay Kim na kasalukuyang nagheheadbang na dahil nadadala na sya sa kanta.

"Thankyou! Thankyou to all of my fans! I'm here every thursday! Thankyou and goodnight!" Biro pa ni Kim pagkatapos nyang kumanta. Halos lahat pumalakpak sakanya pati yung driver at si Mrs. Campo. May mga sumunod pang kumanta pero kahit manalangin si Kim hindi natawag si Joshua.

"Kadugaan ni Ma'am." Bulong ni Kim.

"I wonder kung pano kumanta si Joshua, at ano kakantahin nya if ever I ask him, what song would you choose to dedicate it for me? Ay charot!" Kinakausap na naman ni Kimberly ang sarili at ngumingiti na naman sya magisa. Sinilip nya si Joshua sa likod at nakita nya itong nakapikit.

"Mahaderang Heather to. Dapat ako katabi ni Josh e. Mang-aagaw." Inirapan na naman nya ang pwesto nila Joshua.

Girls will always be girls.

---

May ayaw ka ba sa part ng kwento? Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now