Gotta Have Her (12)

1.3K 42 2
                                    


After lunch bumalik ng bus na busog na busog ang mga estudyante. Pagpasok ni Heather umupo sya agad at inaantay nya si Joshua pero si Paoline ang tumabu sakanya dala ang mga gamit nito.

"Uhh... anong ginagawa mo Pao?" Inaayos na kasi ni Paoline yung mga gamit nya sa tabi ni Heather.

"Ako ng katabi mo. I'm sure magiging magbestfriend tayo Aragon!" Ngiting nakakaasar ni Pao sakanya.

"No, si Joshua ang katabi ko nasaan na sya?!" Tumayi at nilibot ni Heather yung mata nya sa loob ng bus pero hinila sya ni Pao paupo.

"Tumabi na sya kay Kimberly, wag ka ngang KJ dyan. Gumagawa ng lovestory yung dalawa e! Tara let's eat nachos!" Nilabas ni Pao yung pack ng nachos nya at inalog alog sa pagmumukha ni Heather para hindi nya makita sila Josh at Kim sa harapan.

Nakatulog na ulit si Kimberly at nakasandal ang ulo nya sa salamin ng bintana. Nagising naman si Joshua dahil may kalabog ng kalabog ng makita nya yung ulo ni Kim na malalaglag tapos isasandal sa bintana, tapos malalaglag ulit tapos isasandal nya ulit sa bintana. Natawa si Joshua sa itsura ni Kim kaya pinicturan nya muna ito bago nya isandal ang ulo ni Kim sa balikat nya. Hawak hawak pa nya yung ulo nito dahil malubak ang dinaadanan ng bus at umaalog ng umaalog si Kim.

Makalipas ng dalawang oras na byahe, nakatulog narin si Joshua at nakapatong ang ulo nito sa ulo ni Kim samantalang nakayakap naman si Kim sa bewang ni Josh. Ang cute matulog ng dalawa ng makita sila ng isa nilang classmate at pinicturan sila. Pinagpapasahan ng buong magkakaklase ang picture nila at kanya kanyang post sa mga facebook nila. Selos na selos naman si Heather ng makita nya sa news feed nya ang picture nila Joshua at Kim. Inunfollow nya yung classmate nya, nireport yung post, inunfriend at hindi pa nakuntento binlock pa nya ito. Inis na inis sya habang nakangiti naman si Pao sa mga nakikita nya sa news feed nya at nilalike nya ito.

Pagkarating nila sa Montevista Resort, nagising na si Josh pero si Kim nasa kalagitnaan pa ng tulog. Pinindot pindot nya yung pisngi nito habang nakahiga na ito sakanya at ginawang unan yung hita nya.

"Oy." *Pindot*

"Kim, nandito na tayo." *Pindot* *Pindot*

"Kimberly." *Pindot* *Pindot* *Pindot*

"Kimberly Sanchez!" *Pindot* *Pindot* *Pindot* *Pindot* *Pindot* *Pindot*

"Anak ng, ano ka mantika?" Hindi parin nagigising si Kim kahit anong ingay gawin nya.

Tutal nakababa na naman lahat ng kaklase nila at sila nalang ang naiwan sa bus, sinigawan ni Joshua sa tenga si Kim.

"KIMBERLY BABANGGA TAYO!!!!" Dumilat ang mata ni Kim at bumangon agad ito ng gulo gulo ang buhok at tumili ng sobrang lakas.

Narealize nyang nakatigil naman ang bus at tawa ng tawa ni Joshua. Pinagbabatukan nya ito at pinaghahampas nya ng unan.

"Ikaw! Ang lakas mo mang gago e no!" Pinapalo nya pero nasasangga naman ni Joshua mga palo nya.

"Kanina pa kita ginigising eh! Tinalo mo pa si Snow white, yun nagising ng halikan sya ng Prince charming nya tapos ikaw hindi!"

Napatigil si Kim saglit at namula.

"Hi-hinalikan mo ko ulit??" At tumawa na naman si Joshua sa reaksyon ng mukha ni Kim. Lumapit sya malapit sa mukha nito at..

"Bakit gusto mo ba?" Nanlaki mata ni Kim at tinulak si Joshua palayo sakanya.

"Ang manyak mo! Tara na nga! Asan na ba tayo?"

"Montevista Resort. Magbihis ka muna ng pangligo mo dahil yung mga classmate natin nakapangswim suit na." Kinuha ni Kim yung susuotin nya at nakita ito ni Joshua.

"Magsswimsuit ka?!" Turo pa ni Joshua yung hawak ni Kimberly.

"Oo. Resort yun diba? Alangang nakapalda ako?" Lumapit si Joshua at kinuha yung hawak ni Kim na swim suit.

"Ayoko nyan. Magshort ka, tapos blouse, pero yung hindi rin masyado maikli at hindi masyadong revealing."

"Bakit boyfriend ba kita?"

"Oo. Sasabat kapa? Gusto mong patunayan ko pa sayo?" Papalapit ng papalapit si Joshua kay Kim samantalang atras naman ng atras si Kim.

"Ok! Ok! Kissing monster! Magshoshort na po." Kumuha ng ibang damir si Kim at pinaboran naman ni Josh yung kinuha nya.

Naunang bumaba si Joshua at inabot nya yung kamay nya sa pagbaba ni Kim. Sabay silang pumasok ng Resort at binigay yung entrance ticket nila. Pumunta sila ng banyo at nagpalit ng damit. Naunang matapos si Joshua dahil trunks lang naman suot nya, paglabas ni Kim basang basa ito dahil nagbanlaw narin sya at nakalugay ang mga buhok nito. Slowmo kung tingnan ni Joshua si Kim palabas ng banyo, para syang tinamaan sa pangalawang beses.

"Le'go boyfriend?" Ngiting sabi ni Kim.

"Let's go Girlfriend." Hinawakan ni Joshua yung kamay nya at magkahawak kamay silang tumalon sa swimming pool kasama mga classmate nila.

Sila na nga ba? Easy hindi pa sila official haha.

---

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon