18. Stupid

80.1K 1.5K 160
                                    

Gene and Lexy…

Gene and Lexy…

Paulit-ulit iyon sa isipan ni Jacinto habang pauwi siya. It was five in the morning and he just got up, bago siya umalis sa bahay nI Alexis ay sinilip niya pa ito, she was sleeping soundly inside her room at habang nakatitig siya sa kanyang kaibigan ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Hindi niya alam kung bakit but he wasn’t really thrilled about the news that Gene and Lexy are now an item. Nahihirapan siyang tanggapin ang bagay na iyon.

That morning, he went home with a heavy heart. He just couldn’t accept the fact that Gene is now the number one man in Lexy’s life. He sighed.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang bahay, he was glad na hindi pa gising si Luna because if she was awake right now, he’ll be in a big trouble.

“Where have you been?”

Natigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang tinig ni Luna. She was sitting at the stairs and she was looking right at him. Nangingitim ang ilalalim ng mga mata nito, mukhang wala pa itong tulog at marahil umiyak pa ito dahil namumugto ang mga mata nito. He sighed.

“Dapat hindi mo na ako hinintay.” Kalmadong sabi niya. Sometimes, tinatanong niya ang sarili niya kung tama ba na binalikan niya pa si Luna or mas tama na naging magkaibigan na lang sila. Naiisip niya kasi na parang mas madalas niyang ma-disappoint si Luna kaysa ang mapasaya ito.

“Hindi ka umuwi kagabi tapos you're saying na sana hindi na lang kita hinintay? Jacinto, ano bang nangyayari?” Tumayo ito at tumingin sa kanya. “Are you in love with someone else? Are you cheating on me?”

He sighed. Mas magiging madali sigurong sabihin kung nag-chi-cheat nga siya kay Luna pero hindi. He took her hand.

“Babe, it’s not like that.” He sighed hard. “I’m just out of sorts lately. I’m not cheating on you, okay?” He tried convincing her. Luna was just looking at him as if she was trying to really see his soul. Niyakap siya nito matapos ang ilang sandali.

“I hope your being true to me.” Sabi nito sa kanya. He hugged her back and kissed her bare shoulder. Mahal niya si Luna, hindi niya naman aayaing magpakasal si Luna kundi niya ito mahal. He was just confused. Tama, iyon ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun. He was confused. Ang tagal niyang hindi nakita si Alexis, hinahanap-hanap niya ito, best friend niya si Lexy at normal lang na makaramdam siya ng ganoon ukol dito. He sighed again.

“I love you, babe.” He whispered to her. Hindi niya alam kung bakit pero parang kulang sa conviction ang sinabi niya. He knew that she was in love with Luna, mahal na mahal niya ito and he was supposed to be thrilled, iyon naman ang palagi niyang nararamdaman noon tuwing sinasabi niya kay Luna na mahal na mahal niya ito.

“I love you too.” She broke their connection, she tiptoed to give him a kiss on his lips, smack lang iyon, matapos iyon ay nakangiti na ito. “Nagugutom ka na, babe?” She asked him. Hawak pa rin nito ang kamay niya.

“Yeah… I want some pancakes…” Sabi pa niya dito. Hinatak siya ni Luna sa kusina.

“I’ll cook for you. Wait ka lang diyan.” She made her sit down. Bago pa ito makaalis ay bigla niya itong hinatak, napaupo ito sa kanyang mga hita. Luna giggled like a little girl. “Dito ka na lang… di pa naman ako famished.” Sabi niya pa.  He snaked his hands around her waist. Inilagay naman ni Luna ang mga kamay nito sa kanyang leeg at saka idinikit ang noo nito sa noo niya. He was caressing her shoulders.

“I love you…” He said again. He sighed when he felt the emptiness in his heart. Bakit ganoon? Parang may iba na, parang may kulang…

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Where stories live. Discover now