6. One night only

90K 1.6K 118
                                    

February 18, 2001

Dear Heart,

He said that what happened earlier wasn't a date – that it was just us – best friends hanging together, but then in my head and in my world, we are dating. Ang sweet nga niya, and I couldn't help but to fall for him more...

xxxx

Gene took Alexis to a Neon Concert. Tuwang-tuwa si Alexis because of that. Maliban kasi sa favorite niya ang bandang iyon ay crush na crush niya si Anton Abella. At hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya lang ito ngayon. She looked at Gene at pinched his shoulder.

"What?!' He asked her. They were both having an eargasm because of how good Neon's music was.

"Thank you!" She yelled at his ear. Gene smiled. "Not so bad for a first date." Natatawang sabi niya dito. Naalala kasi niya kanina na para bang kinakabahan ito habang nasa kotse sila. He was sweating like he just finished running a marathon, hindi pa ito masyadong nagsasalita but then he loosened up after she cracked some jokes.

Gene is a really good guy at maliban sa kinakabahan ito kanina ay napaka-smooth naman ng galaw nito. She didn't know na may lalaking super smooth na hindi presko ang dating actually kinikilig nga siya.

After the concert, nagkaroon pa siya ng chance para ma-meet ang buong Neon sa back stage – fortunately, Gene knows their Manager – who was also Anton Abella's wife from way back. Nagpapicture pa sila ng crush niya. Nang gabing iyon, lumabas sila sa venue habang sobrang lawak ng ngiti niya.

"Gene! Thank you talaga!" Sabi niya sabay yakap dito. Hindi niya mapigilan ang kanyang katuwaan. She hugged him so tight. Hindi agad siya bumitiw. Gene smelled so nice.

"You're welcome." He said to her. "I hope nag-enjoy ka." Sabi nito habang ipinagbubukas siya ng kotse. Pumasok siya sa loob habang ngingiti-ngiti pa rin. After a while, Gene joined her inside the car.

"Nag-enjoy talaga ako." She said. "Alam mo ba? Ang tagal-tagal ko nang inaaya si JC na manood ng gigs ng Neon o kaya man Pastels pero busy siya mambabae kaya hindi niya ako nasasamahan, isa pa hindi siya mahilig sa music."

"You like music, I noticed that now." Nakangiti si Gene sa kanya. Tumango naman siya dito.

"Like ko din iyong boybands. I like Blue, Backstreet boys, saka Westlife."

"I like Backstreet boys too, and N'sync. Ang tagal na noon no? Music of the 90's"

She smiled. Pinasibad na nito ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay patuloy pa rin ang pagkikipag-usap niya dito. Gene was a really good conversationalist. Marami itong alam na facts tungkol sa kahit na ano, she feels like she could talk to him about anything under the sun. Hindi ito katulad ni Jacinto na walang ginawa kundi ang mambabae at pag-usapan ang mga babae nito.

Jacinto talks to her about his sex life at kahit nakakadiri, nakakagigil at nakaksakit, nakikinig pa rin siya dito dahil wala naman siyang choice noon. Ganoon niya kamahal si Jacinto, na kahit nahihirapan siya, gagawin niyang posible ang lahat para dito. Kahit na nagmumukha na siyang asong susunod-sunod dito, okay lang sa kanya but with Gene, kahit ilang beses niya pa lang itong nakakasama ay hindi siya nakaramdam ng ganoon. Gene makes her feel special and she likes that. Si Gene pa lang ang unang lalaking gumagawa ng ganoon para sa kanya.

"Okay ka lang?" He asked her. Hindi niya napansin na napatulala nap ala siya. Tumango siya, noon naman nag-ring ang Blackberry ni Gene. "Lexy, can you answer that for me? My hands are tied." He ever so charmingly asked her. She obliged.

"Hello..." She greeted the other line.

"Alexis? Magkasama pa rin kayo ni Gene?!" It was Jacinto and he was yelling at her sa kabilang linya. Napangiwi siya. Ano bang problema ni Jacinto? Bakit palagi yatang mainit ang ulo nito?

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Where stories live. Discover now