SC-35

19.1K 445 10
                                    

Clarise

"Hindi ka na nga pumapasok sa work mo, lagi ka namang antok" hindi ko mapigilang sabi sa kanya, nakaraan pa siya ganyan simula nang makahanap siya ng kapalit niya.

"Kain na tayo" yaya niya, wow naman parang siya nagluto aah?

Nasa condo niya kami ngayon, nagtataka nga lang ako kanina kung bakit ang daming paper tape, yung charger ng laptop niya ay naiwan sa extension wire at kalat kalat naman yung mga ruler niya eh hindi pa naman kami nabibigyan ng design.

"Laine, umuwi pala si mama ulit. Last time diba di kita napakilala? She wants to meet you daw"

Napalunok naman ako ng sunod-sunod sa sinabi niya, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Ke-kelan daw?" Shet nauutal ako, ba't naman kasi parang biglaan?

"Mamaya, dinner daw"

"Kean..." mahina kong sabi, nagpapanic ako. Kung yung ate niya ay mataray na nga pano pa kaya yung mama nila?

"Relax, will you? Di ako lumaking kasama siya kaya kung hindi ka niya gusto ay wala akong pake. I'll still marry you" I just smiled at what she said, seryoso talaga siya sakin.

"Kinikilig ka na dyan, haha kumain ka muna" nakangiting sabi niya, kahit may mga hindi kami pagkakaunawaan ay nahuhumaling pa rin ako sa ngiti niya.

"Ikaw kasi!"

"Laine subuan moko" utos niya.

"Ayoko nga, may kamay ka"

Hindi na siya nangulit pero hindi naman siyang magana kumain.

"Kean hindi ba masarap?" Tanong ko, ang konti kasi ng nilalagay niyang kanin pati ulam sa kutsara eh.

"Ayoko na kumain" sabi niya saka inurong yung plato paharap.

"Bakit hindi ba masarap? Ipagluluto nalang kita ng iba" umiling lang siya saka naglagay ng tubig sa baso at ininom.

"Kean, kumain ka nga kahit konti lang"

"Ayoko, ayaw mo'ko subuan eh" yun naman pala, masarap naman kasi yung minudo ko kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya na.

"Umupo ka nga dito" tawag ko sa kanya, tumayo na kasi ang loko at pumunta na ng sala.

"Ayaw"

"Bahala ka, ifefeed pa naman sana kita" I said and continue to eat, maya maya naman ay naramdaman kong umupo na siya.

"Laine..." tawag pansin niya habang sinusundot sundot yung tagiliran ko.

"Ano?"

"I'm still hungry so feed me"

"Bahala ka sa buhay mo" and I rolled my eyes, parang bata siyang nagpapaawa pero tinuloy ko nalang yung pagkain ko.

"Ok, I'll go down on you nalang" nakakaloko niyang sabi at napatigil naman ako sa pagnguya dahil inurong niya na yung upuan niya at ready ng lumusot sa ilalim ng table niya.

"Kean ife-feed na kita" nagbibiro lang naman akong hindi ko na siya susubuan eh, pero dahil nga mas wais siya sakin ay talo ako.

Inayos niya uli yung inurong niyang upuan at umupo sa tabi ko. Iisang plato lang kami kasi nilagay niya na yung plate niya sa sink kanina.

"Maraming rice tsaka ulam" demand niya at sinunod ko naman, kukuha pa sana ako ng ibang kutsara pero sabi niya wag na daw. Ako tuloy yung nahihiya, alam kong hygienic siyang tao eh.

"Yummy" kanina halos masira yung utak ko kakaisip kung ano bang mali sa ulam na niluto ko tapos ngayon naman sarap na sarap siya. Ang sarap niya tirisin, SWEAR!

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now