SC-17

18.6K 489 15
                                    

Kean

Naglalunch kami ngayon at kasama naman namin tong Kier na'to... feeling close pa sakin.

Nag-uusap lang sila ni Laine na akala mo ay wala ako rito, edi sila na ang close, palibhasa parehong madaldal.

"So Kier ba't ka pala biglaang napalipat ng school?" Rinig kong tanong ni Laine.

"Yeah, ba't ba lumipat ka pa?" Pasimple kong tanong kahit naiinis ako, ramdam naman ni Laine yung ginawa kong pagpapasimple kaya kinurot niya ako sa tagiliran. Kainis ba't kasi tumabi pa ako sa kanya, eh ang sadista nga pala niya.

"Aaah... yung dad ko ang may gusto, ayaw niya akong gumraduate sa university ko dati dahil sa issue ng scam sa tuition fee"

"Uhm... yeah I heard about that, asan na yung dumispalgo ng pera?" Kahit kelan ang tsismosa ni Laine.

"Ewan eh" sagot ng isa. Pacool rin talaga...

"Babe, gusto ko ng dessert" sabi ko kay Laine, nakita ko kasi yung chocolate cake na inilapag ng waiter sa kabilang table.

"Edi mag-order ka" aba't! Bakit ba mas binibigyan niyang importansya yung Kier na yan?!

"Daliii naaaa...." kulit ko sa kanya

"Saglit lang Kier" bakit ba kelangan talaga magpaalam pa?

Pumunta na si Laine sa counter para mabilis daw ako naman ay uminom muna ng tubig bago tumingin sa morenang babae na nasa harap ko, well maganda naman siya, mahinhin ng konti, may katangkaran din pero fc much...

"So Kier... may balak ka ba makipagbalikan kay Laine?" Diretsahang tanong ko, wala akong pakialam kung mabulunan siya o ano, wag lang niyang sasabihing oo dahil hindi ako patas lumaban. Kung kelangan kong sabihin sa Papa ni Laine na ako ang nakauna sa kanya ay gagawin ko nang hindi ako laging nagbabantay at nagsisel... fine! Nagsiselos sa kanila, nakakainis kasi! Hindi ako pinapansin ni Laine kanina pa...

"Bakit?" Tanong niya pabalik sakin, aba't kung sapakin ko kaya siya?

"Kung sinagot mo kaya?"

"Well--"

"Hoy Laurel! Ikaw kakain pero ako yung pina-order mo" kainis naman! Makukuha ko na yung sagot eh!

Kinain ko na lang yung cake habang nakikinig sa usapan nila, naiinis ako... hindi ako kinakausap ni Laine dahil busy siya sa asungot na nasa harap namin, grrr!

Ilang minuto lang ay tapos na kaming kumain at pumasok na rin ng school, thank god at hindi namin kaklase for 1st period sa hapon si Kier kundi mababaliw ako dahil wala saking time si Laine.

"Kean inaantok ako" sabi ni Laine, paano napagod siya sa pakikipagdaldalan sa Kier na yun, pag-untugin ko sila eh.

"Edi pumunta ka sa room ni Kier, magdaldalan kayo dun"

"Tsk! Bakit kasi hindi natin siya kaklase?"

"Tanong mo yung kuko mo baka alam niya" pambabara ko, hindi ko maiwasang magsungit, ako yung nandito eh tapos iba yung hinahanap.

"Kainis ka"

"Gusto mo romansahin nalang kita para magising ka"

"Bastos ka! Napakamanyak mo, edi mas lalo akong inantok sa pagod nun!"

"Cutting nalang tayo, para tulog ka hanggang dinner" hirit ko, binibiro ko lang naman siya eh. Natutuwa kasi akong makita yung lukot niyang mukha.

"Manahimik ka kung ayaw mong putulin ko yang kamay mo!" Inis niyang sabi at pinigilan ko naman yung tawa ko, buti nalang at busy yung ibang kaklase namin at hindi nila kami naririnig.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now