SC-34

16.8K 427 9
                                    

Clarise

I woke up without Kean beside me, I saw a note on my bedside table...

It says good morning love, di na kita ginising 'cause I know you were dreaming 'bout me. See you at school, I love you.

Yun lang? Wala man lang matinong rason?

Binasa ko ulit yung note niya, kinilig rin naman ako sa sinulat niya pero di ko matake yung kakapalan ng mukha niya.

Naiinis man ay bumangon na ako para magprepare for school.

Palabas na ako pero wala pa yung driver namin sa tapat ng gate, ugh! Malelate na ako eh.

"Psst ganda" parang tambay lang sa kanto kung makabati tong taong toh, asar!

"Buti naman andyan ka" minsan kasi ay hindi niya rin ako nasusundo kaya ginagamit ko yung kotse ko o di kaya nagpapahatid nalang ako tuwing umaga.

Lumabas na ako ng gate namin at pumunta sa gilid ng kotse niya para sana buksan yung pinto pero hinarang niya naman ako.

"Walang good morning kiss?" sabay hawak niya sa kamay ko.

"Wala" pero siya naman yung humalik sakin sa gilid ng labi at pinagbuksan ako.

Tahimik lang kami sa byahe, nahuhuli ko siyang sumusulyap sakin na parang bata.

Alam ko nalulungkot siya pero naiinis pa ako sa kanya, di na namin nacelebrate yung 4th month namin.

"Laine yung id mo daw" tumingin naman ako sa baba ng katawan ko, wala nga akong id.

Pagpasok namin sa klase ay saktong kakadating lang ng prof kaya hindi muna ako magugulo ni Kean, nag-iinarte pa ako eeh. Hindi niya naman ako sinusuyo.

"Babe, magmo-mall ka daw later?" sabi niya pagkasundo niya sakin sa isang klase ko.

"San mo nakuha yan?"

"Kay Trish" anong kay Trish?

Tumingin ako sa kanya ng naguguluhan bago nagsalita.

"Pano?"

"Text"

"Nagtetextan kayo? Kelan pa?" Aba pag nalaman kong ginogoyo niya kaming magkaibigan, puputulan ko talaga siya ng dila at kamay.

"Kanina lang"

"Patingin ng phone mo"

"Laine, wag mo naman kami pag-isipan ng kaibigan mo"

"Patingin nga sabi" naiirita nanaman ako, ewan ko ba, hindi ko alam kung dahil sa period ko ito ngayon o talagang nagdududa na ako.

At the end ay. binigay niya rin yung phone niya.

"Kean ba't may password na'to?" swear, gusto kong ibato sa kanya yung phone niya.

"Aaah... ano... sila Nick kasi binabasa yung sweet convo natin tapos nang-aasar" di ko nalang pinansin yung feeling ko na parang nag-aalangan siya.

Pagkatapos niyang itype yung code ay chineck ko yung convo nila ni Trish, napaparanoid na ata ako masyado kaya pati kaibigan ko pinag-iisipan ko.

Saktong tinanong niya lang naman si Trish ng ginagawa ko at ang loka naman sinusumbong rin. Pati paglalaro ko ng paper tape sa bibig ko ay sinabi rin, nahihiya tuloy ako kay Kean, baka inisip niyang ang abnormal ng girlfriend niya.

"San mo pala nakuha number niya?"

"Nung nakitawag ka, sinave mo pa nga eh"

"Aah okay" lumakad na kami papuntang sasakyan niya, lunch lang naman lagi siyang present and never absent depende nalang kung bigla silang pinatawag ng coach nila.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now