SC-23

19.8K 490 10
                                    

Kean

"Sabi ni Mama di na raw sila magkakabalikan ni Papa" Gray said after she talked to my mom over the phone.

"How 'bout you? Di ka ba titira sa bahay?" I asked and took the last chip into my mouth.

We're on the cafeteria, class break namin ngayon and sabay kaming dalawa, eto nalang yung oras ko sa kapatid ko dahil hindi naman siya nakatira sa puder ng tatay ko.

"Ayaw... pano si mama? Ako nalang yung meron siya" nangangambang sabi niya.

"Kung tinanggap niya lang si papa hindi tayo magkakaganito..." bakla ang tatay ko at ilang beses na ring nahulihan ni mama na may lalaki siya. Kung hindi sa text ay sa kama naman nilang mag-asawa.

"Ikaw kaya boyfriend mo bading? At nahulihan mo ha? Di ka ba hihiwalay?"

"Hihiwalay..."

"I won't leave our mom, mamaya magsuicide yun"

Hindi niya nga iniwan si mama, lumipas ang panahon at pag-graduate na kami ng hs pero unti-unti namang nawawala sakin yung oras niya.

"Kean si Gray sinapak ng bote sa ulo" sabi sakin ng naghahabol hiningang si Elle habang palabas ng school.

Lakad takbo ang ginawa namin papuntang bilyaran na malapit sa school, nakikipag-away nanaman siya. Palibhasa black belter eh kung anu-ano nanamang kalokohan ang ginagawa.

Hinila ko siya palayo sa mga kaaway niya at hinayaan na lang na sila Trix at Nick ang umawat dun.

"Ano nanaman ba'to ha? Ilang beses ba kitang pagsasabihan?" Anas ko sa kanya, kakatapos lang bendahan ng nurse yung sugat sa gilid ng noo niya.

"Sila nauna"

"Oh kung sila, papatulan mo? Alam mo bang pati ako nadadamay sa kalokohan mo? Pano kung di ibigay yung good moral mo ha?" Lately kasi ay inabangan ako ng madalas niyang kalaban sa billiards at dirty basketball, napapahiya rin ako sa mga kalokohan niya.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now