SC-24

19.6K 475 32
                                    

Clarise

Minutes have passed and still... no calls nor text messages,

Tsk! Tanga mo kasi Clarise eeeh.. dapat di mo pinatayan!

Kamo ayaw niya na talaga tumawag!

Reklamo mo sa ombudsman!

Eto nanaman ako nag-ooverthink na baka kung sino kasing babae nanaman ang pinangtetext niya.

I know I'm being paranoid now pero kasi... baka sa ibang babae niya ituloy yung pakikipaglandian niya, or else dun siya makipagsop.

WAG NAMAN SANA!

Naiinis man sa sarili ko at kay Kean ay lumabas nalang muna ako sa kwarto ko para uminom ng tubig, iniistalk ko kasi yung IG account niya and my ghaad! Kahit hindi siya naghuhubad sa mga photos niya dahil sa pagmomodel ay ang stunning and sexy niya pa rin tapos ang ganda rin ng feed niya, malamang future archi!

Whatever. Edi siya na!

Feeling ko ay gutom pa ako dahil ayaw ko ng ulam namin kanina, karne nanaman kasi. Gumawa nalang ako ng pancake at dinala sa kwarto ko.

Again I checked my phone if she called or texted me but to my dismay... my call log is zero and there's no notif on my messenger app.
Halos tadtarin ko na yung pancake ko sa sobrang inis nang may magsalita naman sa likod ko.

"Hoy baboy, pawi-fi"

"Uso kumatok, mamaya nakahubad pala ako" inis kong sabi sa ate ko.

"Hampas ko to sayong unan hanggang makakita ka ng stars eh, nakita ko na naman yan nung bata pa tayo aah..." she playfully said, hmmm... ba't ang saya niya naman ata?

"Nakakatawa" I sarcastically said, it would be good if she'll walk out my room immediately and I will be pester free, knowing her... she has a bag of corny jokes that will make you wanna cover her face or just shut up 'cause you don't wanna ruin her only happiness.

So yun humiga siya sa kama ko at naki-connect sa pocket wi-fi ko.

Pansin kong ngingiti-ngiti siya at may pakagat-kagat pa ng labi.

"Baliw..." I hissed.

"Clang..." tawag pansin niya sakin habang mino-murder ko tong pancake ko. I'm still waiting pa rin kasi sa tawag at text ni Kean.

"Hmm?"

"May nabasa ako..."

Hindi ako sumagot at hinihintay ko lang yung sasabihin niya, ano naman kayang nabasa niya?

Naku po! Wag naman yung drama ko sa IG last three weeks, wait... di naman ako fina-follow ni ate eh.

"A man walks into a zoo..." eto nanaman po siya.

"Oh?"

"The only animal in the entire zoo is a dog... it's a shitzu!" And then she burst into laughter, juice ko po ang saya saya nanaman ng kapatid ko.

"Taaah? Namatay-matay ka na kakatawa dyan?" I asked my sister who's breathlessly laughing right now.

"Meron pa'ko" napapikit nalang ako sa sinabi niya at napailing dahil pagkatapos ng mga ganyan niya ay tatawa lang yan, yung tipong pati pillow ko ay kinakagat niya.

"What did the pirate say on his 80th birthday?"

"Tigil na please" awat ko sa kanya.

"AYE MATEY HAHAHA!" juice ko! Nadadala nalang ako sa tawa niya.

My Snobbish Crush (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now