Chapter 6.2.3

87.2K 1.6K 18
                                    

Published: July 6, 2013

OLD A/N:

Halu po!  Pasintabi sa mga bad expressions na ginagamit ko sa MTY ha.  Anyway, enjoy na lang and have a nice weekend! :)

********

CHAPTER 6.2.3       

TIMMY GIANNE's POV     

May kung ilang oras din kaming naidlip bago magpasyang bumaba sa kusina para kumain.  At tulad nang inaasahan, magulo at marumi pati na rin ang kusina.  Agad kong nakita ang iritasyon ni Xial at hindi ko naiwasang lihim na mapangiti dahil kahit pa nagagalit ay gwapo pa rin.

            "Andrei!"  Inis na sigaw pa niya. 

            "Hey bro,"  nakangiting bungad pa ng isang gwapong lalaki na tila galing sa labas.  Isa siguro sa barkada ni Andrei.  "Umalis kasi si Drei, nagpunta sa supermarket."  Maikling paliwanag pa niya.

            "You have eyes right?"  Sarkastiko pang sabi ni Xial sabay iginala ang tingin sa paligid ng kusina.  "The kitchen is a mess.  Me and my wife can't eat with this view."

          "Sorry!"  Napangiwi pa 'yung lalaki sabay kamot ng ulo.  "I'll clean this up."  Boluntaryo rin naman niya at pasikreto pang sumulyap sa akin.  Yumuko ako at biglang na-concious.  Like Andrei, hindi maikakaila ang lakas nang dating niya.  He's handsome like Xial pero mas matipuno nga lang ang katawan ng asawa ko.  Asawa talaga? Really, Timmy?

            "Thank you."  Irritable namang sagot ni Xial at inis na nagmartsa palayo sa kusina.  Babalik yata sa kwarto.

Kaya naman sa halip na sundan ay nagdesisyon akong makitulong na lang din muna sa paglilinis sa kusina.  Mas makakahinga ako kung medyo lalayo muna ako kay Xial.  Ang hirap magkulong sa kwarto kasama siya.  Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kani-kanina lang.

            "Naku, ako na ang bahala dito.  I'll just call you kapag nakatapos na ako dito."  Pigil pa n'ung barkada ni Andrei sa akin nang makitang hahawak na ako ng mga pinagkainan nila.

            "Okay lang, tulungan na kita."  Tipid naman akong ngumiti at itinapat ang mga plato sa tumutulong gripo.

            "Are you sure?"  Alanganin pang tanong niya sabay nagkamot pa ng ulo.

            "Yes."  Bahagya pa akong tumango at ipinagpatuloy na lamang ang paghuhugas.

            "By the way," lumapit pa siya sa akin sabay naglahad ng kamay.  "Ako nga pala si Gerald.  Barkada kami ni Andrei, 'yung cousin n'ung husband mo." 

            "Timmy."  Nagpunas muna rin ako ng kamay bago abutin ang kamay niya.

            "Nice name, it suits you."  Sabi pa niya at matamis na ngumiti.

            "Thank you."  Tipid lang ding sagot ko at sa totoo lang ay wala talaga ako sa kundisyon.

            Agad din namang dumistansya si Gerald at mas okay na rin 'yun dahil wala akong gana makipag-usap.  Nagwalis at naglampaso siya sa kusina at ako naman ay tinapos ang mga hugasing plato.

            Nagkusa na rin akong magluto pagkatapos at mas gugustuhin kong malibang na muna kaysa intindihin ang masakit na sinabi ni Xial.  Nakatapos na rin sa paglilinis si Gerald na halatang napagod dahil sa mumunting pawis sa kanyang noo.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon