Aftermath 25 : Julie & Felix

434 4 0
                                    

Aftermath 25 : Julie & Felix

After ng nakakapalpitate na scene na yun sa kama kanina ay medyo nakatulog kami ng Tristan ng mga 40 minutes. 

At ngayong 6 pm na.. nilalaro ko lang si baby E.

*DINGDONG*

Tumayo ako para buksan yung pinto. 

Pagkabukas ko..

"YZA!! NAMISS NA KITA!!"

Si Julie at Felix!!

"JULIEEE BRUHA KA!!" sigaw ko sabay yakap sakanya (siyemre nasa crib muna si baby E)

"Grabe Yza namiss kita ng bonggangbongga!!"

"Ako din naman eh." at ayun nag emote nanaman kaming dalawa. Sa tagal naman naming di nagkita eh.

--

"Bat nga pala kayo magkasama niyang ni Felix?" sabay nguso kay Felix.

"Uyyy! Ano na? Natuloy na ba ang naudlot niyong pagmamahalan noon?" dagdag ko pa. Eh kasi dati nung highschool, noong naging kami na ni Dylan at wala nang feelings sakin si Felix, naging mag MU (mutual understanding) yang dalawang yan. As in sila, di nila alam na may gusto sila pareho sa isa't isa pero ako naman alam ko eh pano kasi sakin sinasabi nung dalawa eh. Shet, kinikilig ako pag naalala ko! 

Umamin si Felix tapos edi syemre pumayag si Julie na ligawan siya ni Felix. Kaso ewan ko kung anong nangyari eh. Mga ilang months kayang di sila nagpapansinan! At ako ay nahihirapan sa sitwasyon noon kasi di ko alam kung kanino ako sasama edi ayun, pinag-usap ko yung dalawa. 

Ewan ko ano pinag-usapan nila pero di naman na sila awkward sa isa't isa. 

"Sus, dati  pa yong issue na yun ah? Naka move on na kaming dalawa kaya walang malisya 'to. Friends lang." sabi ni Felix.

"*ehem*" napaubo si Julie.

"Bestfriends, I mean." 

Okay? 

"Basta kayong dalawa talaga gusto ko forever eh." comment ko nalang.

--

Wala naman kaming ginawa kundi magkwentuhan pati makipagkulitan kay baby E. 

At after dinner ay umuwi na sila.

Teka, si Tristan nga pala?

Di ko pa siya napapansin simula dumating sila Julie ah? 

Inikot ko yung bahay at wala talaga siya.

Nagbihis ako ng medyo maayos para makalabas ako para hanapin siya. 

Tulog naman si baby E at pinabantay ko kay Yaya.

--

Naglalakad ako sa subdivision namin habang tintry ko siyang tawagan. 

Naka-3 rings muna bago may sumagot..

(Hello?)

napatigil ako saglit. Babae? 

"Hello? Nasan si Tristan?"  tanong ko naman.

(Ha? Sino ka ba? *hey!!* Oh wait, hey you're back babe!

and then end call

B-babe? 

Nag-ikot ikot ako sa subdivision pero wala talaga akong mahanap.. 

Wala akong nagawa kundi lumabas sa subd tapos mag-ikot ikot. Baka sakaling makita ko siya sa tabi-tabi.

Naglalakad ako sa may side walk pero pag tingin ko... may mga nag-iinuman.. edi syempre bumalik ako..

Nag tricycle nalang ako pabalik sa bahay pero nakita ko yung sasakyan ni Tristan sa tapat. Ano ba yan! Andito lang pal--

Andito lang pala siya, nakikipaghalikan sa isang babae.. si Victoria. Nasa loob pa sila ng sasakyan niya at nakapatong si Victoria sa kanya. Hinahawakan pa ni Tristan yung bewang at dibdib ni Victoria.

Masakit.

Pinunasan ko ang mga tumutulong luha. Di na ko nagtago sakanila at dumaan pa ko talaga sa harap ng sasakyan niya.

Walang hiya ka, Tristan Delgado. 

Walang hiya, pero mahal ko.

The Aftermath of a One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon