Aftermath 11 : You're Perfect to me

590 9 1
                                    

Aftermath 11 : You're Perfect to me

"Yza? Anong ginagawa mo dyan?"

Nagising lang ako sa trance ng biglang nagsalita si Felix.

"Ay! Ano, tara na sa loob." aya ko kay Felix. 

Dapat ko kaya iwasan si Felix? Di ko ata kaya yun? Baka nagjojoke lang siguro si Tristan.

"Felix movie marathon ba? Puyat or gusto mo maaga matulog?" tanong ko sakanya.

"Yza, bawal magpuyat sa buntis. Tulog nalang tayong maaga ha?" sagot niya.

*beep*

Pinalitan ko na ringtone ko. Ang hina ng forevermore eh.

Mssg: | Just got home El. Sleep early. |

Naiilang ako kay Tristan.. Reply-an ko kaya?

Mssg: | Okay.. |

Okay na yan.

Hinatid ko na si Felix sa guest room at humiga na siya dun sa kama.. Umupo naman ako dun sa kama.. sa may tabi ng ulunan niya tapos hinaplos ko yung buhok niya.

"Good night, Felix!"

"Nighty, Yza."

--

Pagkagising ko ng umaga.. natutulog parin si Felix. Hmm.. gawan ko kaya siya ng breakfast? Sige! Tutal na-miss ko naman siya eh. Sayang wala si Julie.

Nagpatulong ako kay Yaya Rosa ng mga ingredients tapos sabi ko na ako na ang bahala sa procedure talaga..

Nag-alala pa nga siya kasi baka daw madulas ako or something..

Ano ba pwedeng lutuin?

Scrambled egg?

Omelette?

Bacon and egg?

pancakes?

Sus and dami dami kong sinasabi hindi naman ako marunong magluto! 

Let's go with... Ham and cheese omelette!

Okay so eggs, ham and cheese.

DUH

Let's start!!

--

"Mmmm! bango ah! what's cookin?" narinig ko si Felix palabas ng guest room.

"Sakto! Gising ka na pala! I made breakfast!" Nilagay ko ang aking Ham and Cheese omelette sa dining table. 

"Wow! Since when ka pa nagluluto?"  kumuha siya ng plate and spoon at kumuha na siya ng Omelette kong masarap.

Tinitignan ko siya.. Titignan ko kung ano ang reaksyon niya pag natikman na niya ang aking masterpiece!!

"Uhh.. Kumain ka narin kaya?" sabi niya bago siya sumubo. 

"Ahh hindi.. sige gusto ko lang kasi makita reaction mo pag natikman mo na omelette ko haha!" umupo ako sa may harapan niya.

Tumawa siya, "Sige.." sabay subo.

Tinitignan ko yung mukha ni Felix.... 

Parang sumisimangot siya...

Ayaw na niya ata yung luto ko??

"Bakit Felix?.." sabi ko 

Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos nagmadali kumuha ng tubig at tinungga. ABA

"PANGIT BA LASA?!" tumayo ako at tinignan siya at nagppout ako.

"Omelette ba yan?! Ang alat!!" sabi ni Felix at uminom ulit ng tubig.

Tinikman ko..

Okay naman ah! Ang sarap kaya!

"Maalat?! ang sarap kaya!! tikman mo ulit!" kumuha ako at binigyan siya.

"Layo mo yan sakin!" pinalo niya kamay ko palayo sa kanya. Tawa siya ng tawa.

"Nakakainis ka Felix!" natawa narin ako sakanya. Grabe ganito kami kakulit nung High school palang kami. Parang bumabalik yung feeling na high school palang ako!

"Hay nako Yza.. hindi ka parin nagbabago.. Ang kulit mo parin!" sinuntok niya ako ng mahina sa balikat.

"Ikaw nga rin eh.. Ang sama mo naman sa omelette ko!" pinalo ko siya sa arm. Pinaghirapan ko kaya tong omelette na to! tapos hindi na magugustuhan! 

"Eh ang alat eh! Parang pinaulanan ng asin!" tawa ng tawa si Felix. Ang sama talaga nitong lalaking 'to! 

Natawa na lang din ako. 

"Sige Yza, una na ako! kailangan ko nang umalis. Morning shift ako sa trabaho ko ngayon!" niyakap niya ako. "Ingatan mo sarili mo ha... wag ka masyadong magpagod.." sinasabi niya sakin habang nakayakap..

Napangiti na lang ako.. Ang caring talaga ni Felix.

"At itapon mo na rin yang MAALAT NA OMELETTE na yan! Nakakamatay yan!" tumawa siya ng malakas at pumunta na siya sa front door.

"Ewan ko sayo!" sinundan ko siya. 

Lumingon siya sakin "Sige Yza, bye na! kita ulit tayo next time!" nagsmile siya.

"Sige, bye!" nagsmile ako balik.

At umalis na siya.

Hay... Nakakatawa talaga si Felix. Ang lonely ko na ulit! Ano ba yan.. Haaaay.

--

-DING DONG-

Hm? Sino kaya yun?

-DING DONG-

Tinignan ko ang orasan.. 4:30 pm na pala?! Tinignan ko ang paligid ko.. Shucks ang kalat! Puro pagkain dito sa sala! I swear talaga ang kalat. Parang may Food-alanche! haha!

"Yaya Rosa!! May nagdodoorbell!" sigaw ko. Tinatamad akong tumayo.. At isa pa.. Ang dungis ko at ang kalat dito sa sala..natatabunan ako ng mga pagkain!

"Sige po!" sabi ni yaya rosa.

"Si El?" narinig ko.. Sht si Tristan nandito na!! Ang dungis ko pa naman!! 

Sinubukan kong tumayo pero too late nakita na ako ni Tristan.. OMG nakahiya

"El? ..." tinignan niya ako at yung paligid ko. Ang daming pagkain.. 

Yung itsura ko naka messy bun tapos sando at shorts lang..

"Tr-tristan.." tumayo ako at pinagpag ko ang sarili ko. Nakakahiya na talaga 

Nagtitigan lang kami

sht awkward.

Yumuko ako.. Bigla akong nakarinig ng tawa.

Tinignan ko si Tristan. Siya pala yun.

"B-bakit.." na uutal ako

"Halika ka nga dito.." binaba niya yung plastic na hawak niya at ini-spread niya arms niya.. Hug daw.

Pumunta ako sakanya at hinug niya ako. 

"Ang cute mo talaga El.." tumatawa siya habang nakayakap siya sakin.

Napasmile ako at shet kinikilig! 

"Sorry.. nakakahiya." sabi ko

Tinitigan niya ako sa aking mga mata... Ang ganda talaga ng eyes niya

"El.. Wag ka nang mahiya sakin. I don't care how you look. Or kung ano mang nakakatawang ginagawa mo. All these things that you do is perfect to me. You're beautiful El." Sinabi niya yun with sincerity at niyakap niya ulit ako ng mahigpit at kiniss sa forehead.

I feel secure.

I feel loved.

I feel protected.

"I love you El." bulong niya.

hindi ako sumagot, masyado akong nao-overwhelm sa sinabi niya..

ayoko rin namang magsabi ng di pa sure yung feelings ko.. kasi alam ko yung feeling ng 'love' dahil naranasan ko yun kay Dylan.. pero kakaiba yung nafi-feel ko kay Tristan.

Hinigpitan niya yung yakap niya sakin..

The Aftermath of a One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon