Aftermath 12 : Hi Baby

618 6 0
                                    

Aftermath 12 : Hi Baby

Napa-luha na lang ako.. ang saya lang.

"T-tristan.."

"You don't have to say anything, baby.."

Umalis ako sa yakap niya at hinawakan niya ko sa balikat ko..

"W-why are you crying?!" nagpanic siya.. pinunasan niya ulit gamit yung thumb niya, parang nung una lang ulit naming pagkikita..

Napatawa na lang ako.. bakit ba lagi ko nalang naaalala yung first meeting namin? 

*grrrrgrrrr*

A-ano yun?

Namula siya bigla kaya tawa ako ng tawa..

"Gutom ka na? Sorry ah, leftover nalang ng niluto ko kanina para kay Felix--"

"ANO?! Nagluto ka para kay Felix?!"

"O-oo. Para sa breakfast kaso sabi niya pangi--"

"Yun nalang kakainin ko, El.."

at nagtuloy-tuloy siya sa kusina, kumuha ng plate, spoon and fork, and then kumain na.

"Wait! Di mo lang ba iinitin?" 

"Ah, sige."

tapos ininit na niya.

--

Titignan ko lang yung reaction niya habang nginunguya yung unang subo niya.. nakikita  kong pinipilit niyang huwag ipakita yung pagka-ayaw niya sa pagkain..

"Ano? Okay lang ba?" ngumiti ako habang tinatanong ko yun..

Ngumiti siya ng pilit at "A-ang s-sarap naman, El."

Napaluha nanaman ako..

After niyang lunukin yung unang subo niya, lumapit siya sakin at "Bakit ka nanaman umiiyak?!" 

"K-kasi di naman masarap yan eh!" at ngumawa na lang ako dun.. NAGSINUNGALING SIYA SAKIN!!

"M-masarap naman eh.."

"Di yan masarap! Sinabi yun sakin ni Felix! Sobra daw sa asin kaya wag ka na magsinungaling, Tristan."

"Masara--" 

"Di nga masarap eh! Ang kulit kulit mo!!" at ngumawa nanaman ako dun.

Waaah!! Kasi naman eh, nagsinungaling siya sakin. Baka mamaya lie lang din pala yung I Love You niya sakin. Waaaah!

Tumawa siya dun. Huh?

"Bakit ka tumatawa diyan?!!" sigaw ko habang pinupunasan yung luha ko..

"Para ka kasing bata eh. Ang cute mo.." pipisilin niya sana yung pisngi ko kaso pinalo ko yun kamay niya.

"Di mo ko madadaan sa ganyan, Trsitan ah!"

"Don't worry, El. Kahit anong luto mo pa yan, basta para sakin, masarap!" at ngumit siya dun. Ang gwapo naman!

Nag-walk out na ko dun dahil ayokong makita niya yung pamumula ng mukha ko. UGH TRISTAN!!

"WAIT LANG EL!" tapos may binigay siya sakin. Yung plastic na binitawan niya kanina para maka-hug ako. Ahhh ano ba kinikilig ako. 

Tinignan ko yung plastic..

Take-out na food. Eh?

Bakit niya pa kinain yung luto ko kanina?

I snatched it away from his hand.

"Thank you!" pagalit kong sinabi at pumunta sa sala. Dito na lang ako kakain!

"El naman eh.." narinig kong palapit sakin si Tristan.

"Wag ka lumapit sakin!" tinuro ko siya gamit ng tinidor.

"Bakit?? Di ba kitang pwedeng lambingin?" nagpout si Tristan.. Sht naman ang cute!! Gusto ko siyang i-hug!!

eh kasi parang may Bi-polar nanaman ako! Hirap talaga pag buntis!

"Babyyy..." nagpout pa siya lalo.. OMG NAMAMATAY NA AKO SA CUTE

Palapit na siya sa sakin

"Sabi ko wag kang lumapit diba!!" nagsasalita ako habang may laman yung bibig ko. Puro pagkain haha how lady like.

Inamoy ni Tristan sarili niya.. "Ang baho ko ba?"

Patuloy lang akong kumakain habang tinititigan siya

"Baby hindi naman eh" lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. He wrapped his arms around my waist... "I'm tired baby can we just stay like this for a moment?" 

OMG DI AKO MAKAGALAW

"T-Tristan umayos ka nga ng upo!" pinapalo ko yung arm niya.

Nararamdaman kong nagbblush ako ng todo todo.

"T-tristan!" 

"zzzzzzz......" 

Wow tulog na siya agad?! 

Tinignan ko siya.. Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Napangiti ako sa sobrang cute niya. Inayos ko siya at pinatong ang ulo niya sa lap ko.

Hinahaplos kung buhok niya habang tulog siya... 

Baka mamaya nagkukunyari lang siya?

Nipoke ko yung pisngi niya..

Di na siya gumalaw..

Aww.. pagod na pagod na siya..

Tinitigan ko nalang yung mukha niya.. grabe naman kasi sa kagwapuhan 'tong nilalang na 'to eh!

*yawn*

Inaantok na rin ako.

--

Nagising ako kasi parang may gumagalaw sa may lap ko. Tapos biglang di na ulit gumalaw. 

Hmp. Baka nagtutulugtulugan na 'to ah?

"Tristan.. uy.. gising na!" Inaalog-alog ko siya..

Bigla ba namang tumagilid kaya ang nangyari.. nakaharap siya sa may tummy ko..

Hmm.. ngayon ko lang napansin na medyo lumaki nga ang tummy ko kung icocompare mo sa dati.

Nakatingin lang ako sakanya na nakapikit.

Tapos bigla siyang dumilat at hinalikan yung tummy ko. "Hi, baby.."  tapos tumingin na siya sakin at ngumiti.

H-huh? Kanino siya nagh-hi? Sakin o sa baby namin? Sa baby naman namin diba? 

Ahhh! Tristan! Ano ginagawa mo sakin?

The Aftermath of a One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon