Aftermath 17 : Get away

528 6 0
                                    

Aftermath 17 : Get away

Maaga ako nagising ngayon.

Ewan ko..

Excited kasi ako?

Nag-ayos ayos na ako. 

Ang laki na ng tyan ko!! 8 months na oh. Nakakahiya. Di na ko sexy. Hay.

*BEEP BEEP*

Siguro si Tristan na yun no? Lumabas na ko at ayun nga.

Nakita ko yung kotse niya na naghihintay sakin dati nung pumapasok pa ko sa office niya.

Pinagbuksan na niya ko ng pinto at sumakay na ko.

Parang ang awkward namin.. or ako lang yun?

Ako lang siguro.

"San ba tayo pupunta, Tristan?" tanong ko. Wala akong kahit anong dala eh. Pera lang pati phone.

"Hmmm.. tulog ka na lang muna. Gisingin na lang kita." sabi niya at pinaharurot yung sasakyan.

At ayun nga.. nakatulog na ko.

--

"Baby.. hey.." tapos parang may nangnose-to-nose sakin..

"Hmmm.." 

"Hey, wake up.." at minulat ko na ang mata ko.

Nag smile sakin si Tristan at "We're here.."

tumingin ako sa paligid at di ko pa napupuntahan yung place.

Bumaba ako pati si Tristan na may dalang bag? Huh? 

Anyway nag check in kami sa Canyon Cove dito sa Batangas. Infairness, maganda talaga.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko kay Tristan.

"By 8pm, siguro on the way na tayo pauwi." 

Time check: 2 pm. Umalis kasi kami ng bahay 12 and kakatapos lang naman namin kumain nun.

--

Naglibot libot lang kami and dinala ako ni Tristan sa isang spa..

[Note: Walang spa sa Canyon Cove, okay? Kunyare lang!!]

"Spa?" tanong ko sakanya.

"Para naman makarelax ka baby." at pumasok na nga kami dun sa spa.

"Eh Tristan naman eh! Wala na nga akong ginawa sa bahay kundi magpahinga. Di naman ako naststress eh. Gagastusan mo pa--"

"HEP! Wag na magreklamo. Okay?"

"Okay." at napa-pout naman ako. "Sayang lang sa pera 'to!"

"Don't" napatingin ako kay Tristan na di naman tumitingin sakin.. Okay?

Baka kinakausap niya yung sarili niya. Ehhh? Weird naman niya. Pero kahit weird siya.. maha-- 

"Ma'am.. dito na po kayo" sabi ng isang babae dun.

"Okay." Hoo. Bat feeling ko namumula ako?

--

Ahhh sulit sa gastos. Sarapppp. 

"Tristan!!" tawag ko sakanya after. Tagal naman niyang naghintay.

"Ano?" smile niya sakin..

"Oo na! Panalo ka na. Sulit gastos."

At nagtawanan na kami. Time check: 3:30pm.

--

"Baby! Sa dagat tayo!"  sabi niya na naka trunks na. Hay.. ang hot niya talaga!

The Aftermath of a One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon