NINE

30.3K 832 47
                                    

NINE

Pinapunta ni Duncan si Roxanne sa kantang office niya. Isa lamang iyong maliit na kuwarto na parte ng bahay ng binata. Kinakabahan naman si Roxanne, hindi siya madalas na pumapasok rito, madalas kapag may kinukuha lamang na papeles or kapag nag oovertime sila.

"Sit down." Nakakatakot ang boses ni Duncan, masyadong formal.

"I just would like to clarify things, Roxanne." Umpisa ng binata.

"Yes Bossing."

"What's with you and Drew?" Unang tanong.

"Ha?" Kunwari ay wala siyang alam.

"Naging kayo ba?"

"Ha?" Sagot niya ulit.

"Dati mob a siyang nobyo?" He asked again.

"Ha?" Sagot ni Roxanne. Inaasahan na niya ang mga ganoong tanong pero hindi niya akalaing magugulat pa rin siya.

"Ako ba niloloko mo Roxanne? Puro ka HA." Salubong na ang mga kilay nito.

"Naman Bossing, nakakalerki naman kaya yung mga questions mo." Palusot nito sa kaharap.

"Napasimple ng tanong, simpleng oo at hindi ang sagot. Saan ang nakakaler---"

Napatigil si Duncan. Napapagaya na siya sa sekretarya niya.

"Lahat ng sagot sa mga tanong mo Bossing ay isang malaking EKIS, HINDI, NO. Masyado ka namang possession."

"Possession?" Nagtatakang tanong ni Duncan.

"Possession Bossing, like selos, like gusto mo me, ako lang." Pakuwela pero kinakabahan niyang paliwanag.

"Isa na lang Roxanne, napipikon na ako sayo!" Tumaas na ang boses ni Duncan.

"Okay, chill lang. Sige, quiet na."

Parang sasakit na naman ang ulo ni Duncan. Ano bang klaseng babae itong kaharap niya? Nauubos ang pasensiya niya na hindi naman dapat.

"Let's make things clear Roxanne, I want you to stay away from Drew. Kung ano man ang naging ugnayan ninyong dalawa noon, tama ng hanggang doon lang."

Nandito na naman tong kaharap niya. Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip. Napabuntung-hininga na lang si Roxanne..

"Another thing, change your attire when he's here. No short shorts, no sleeveless, no tube."

"As in , hindi na ako magdadamit Bossing?" Pang –aasar niya.

Naihilamos ni Duncan ang mukha. Matutuyuan siya ng dugo sa kaharap.

"Joke lang Bossing. Hindi pa kasi tapos yung pinatahi kong Filipiniana kay Manang Tindeng."

Naibagsak ni Duncan ang hawak na paper weight.

"Another joke Bossing. Very clearness, no relationship with handsome Drew, cannot be my sexy body exposure in the house."

She rolled her eyes again. Sa pang-aasar na lang talaga siya nakakaganti kay Duncan. Pag siya nagtransform ng totoong siya, siguradong NGA NGA ang amo niya.

"Can I evaporate Bossing?"

"Okay." Napatingin si Duncan sa mga labi ni Roxanne. Those lips that made his nights sleepless.

Tumayo na ito at kumindat pa sa kanya. Baliw talaga!

"One thing Roxanne." Pigil niya rito.

"Yes?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Akala niya wala na itong ipagbibilin pa.

Ang Promdi At Ang ProstiWhere stories live. Discover now