SEVENTEEN

30.2K 746 27
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

SEVENTEEN

"Give me the complete name Pare ng babaeng gumugulo sa utak mo?"

Pinag-isipan ng sampung beses ni Duncan bago tawagan si Lucas Dylan Miranda, another good friend of him. He is an US ex-military officer who planned to have another life here in the Philippines. Meron itong investigation and security agency. Pawang mga kilalalang mga tao ang mga nagiging kliyente nila. Nakabase ito sa Davao ngayon, pero meron itong mga branches around the Philippines.

Ibinigay niya ang pangalan ni Roxanne. He feels that something is wrong. Parang may itinatago ito na hindi niya maintindihan. Tinatanong niya si Drew pero wala.naman itong matinong sagot sa.kanya.

"Ngayon lang kita narinig na aligaga sa isang babae, Duncan ah. Kahit kay Hazel, hindi ka naman nagkaganyan."


"May gusto lang kasi akong malaman,Pare. Nothing serious, but I just wanted to be sure." Napabuntung-hininga siya. Hindi ba siya mukhang defensive.

"She must be very special,Pare. Don't worry, ako mismo ang hahawak sa case mo."


"Mga kailan ko kya malalaman ang result, pare?"

Si Dylan naman ang natawa. Masyadong in love ang kaibigan. Tuloy naiintriga siya sa babaeng ito.

" Mga sampung buwan siguro, Pare." biro niya.

"Sampung buwan? Are you serious?" Ang tagal ng sampung buwan para sa kanya.

"Nothing serious naman kaya, pare, sabi mo." Pambubully pa niya rito.

"Oayk, I really need the result pare, baka kasi mali na yung ginagawa ko tapos huli na pala ang lahat."

"Wow, the dialogue of the promdi hunk, Duncan. I can't believe it, Pare."

"Oo na. So tell me, mga kailan? If matatagalan kasi, kukuha na lang ako ng iba."

Natawa ang kaibigan. "Consider it done. Pare. I'll email you the result, or better yet, pumunta ka naman dito sa Davao. Para naman makilala ko itong Roxanne na ito, isama mo naman siyaPare."

Ayaw patulan ni Duncan ang kaibigan, pero tama nga, matagal na silang hindi nakakapasyal ng anak sa Davao, tutal ay summer naman.

"Sige, I hello mo na lang ako kay Shimmer, pare. Salamat."

Nakita niyang naglalaro na naman ang anak at si Roxanne. Mas matagal niya itong nakakasama, mas lumalala yata ang tama niya, hindi niya alam kung sa utak o sa puso ba. Mukhang nahahawa na siya sa kabaliwan ni Roxanne.

When he observes her, hindi niya nakikita yung mga dinedescribe ni Faye tungkol kay Roxanne. Matagal na niya iyong napansin.

Nung nakita niya ang sekretarya na sumasayaw, parang gusto niyang durugin ng kamao niya yung mga lalaking animo hayok sa laman. Roxanne doesn't know what she's doing to him.

Kaya ba nagpilit siyang ibalik dito sa Sta. Clara si Roxanne? Palaisipan din sa kanya kung bakit ganun ka close sina Drew at Roxanne, nung una nga akala niya ay may relasyon ang mga ito, pero bakit tuwing tinitignan niya ay wala namang malisya kapag naghaharutan sila.

Then came Rafael, if Roxanne would have been the same as the bitches he knew, she would have grabbed Rafael for he's a good catch.

Roxanne...

Nababaliw na yata si Duncan sa kakaisip sa dalaga. He would have brought Roxanne to her boarding house after that night but he didn't do it. Bagkus, sa bahay nila sa Quezon City niya ito dinala,pagkatapos ay may nangyari sa kanila.

He actually like raped her, and it kills him when he thinks about it. When he knew, and until now he believes, that she was a virgin, and did that to her, parang gusto niyang iumpog ang ulo niya sa semento. The only thing that he cannot understand is why Roxanne got a son. He actually consulted a doctor about it and he said that restoring the hymen can be possible pero a big sum of money will be involved.

How can Roxanne produce that kind of amount kung sa sarili niya nga lang at kay Pot-Pot hirap siya? Sa tuwing tinatanong naman niya ang dalaga ay panay ang iwas nito.

So he has no choice but hire someone.

Could it be possible na lahat ng ginagawa niya ay palabas lang? He would also observe na she has a tendency to speak English fluently, ilang beses na niyang naririnig yun. Sasabog na yata ang ulo niya. Nagulat tuloy siya ng mag ring ang cellphone niya.

Si Drew.

"Kuya."

"O Drew, napatawag ka?"

"Kukumustahin ko lang si Roxanne."

"She's doing good."

"Don't be too harsh on her, Kuya. She's great, I mean, please know her better. I'm sure you'll love her."

"Do you know something about her ba, Drew?"

"Ha? What do you mean?" Mukhang nagdududa na ang kapatid.

"Who is she? Sino ba talaga si Roxanne?"

"Kuya, kayo ang magkasama, pagkatapos ako ang tatanungin mo."

"Nevermind."

"Bye." May pangako si Drew kay Roxanne at kailangan niyang tuparin yun.

Bumalik na sa normal ang lahat, balik sila sa trabaho sa farm, sa pag-aani ng kape at copra. Naging busy ang lahat. Si Kaye ay madalas na sumasama sa kanila, kaya nga, madalas din ay kasama ito ni Roxanne at ng iba pang mga bata na kunwaring nag-aaral sa kubo na laan talaga para pagpahingahan.

Duncan was so amazed how Roxanne would let the children identify the letters of the alphabet and add small numbers. Kapag pinapakinggan niya ang mga ito nawawala ang pagod niya.

What if matapos na ang kontrata ng dalaga, ano ang gagawin niya? Uuwi na ba ito ng Manila. Bakit parang nasasanay na siya sa presensiya nito? Si Kate kaya, paano tatanggapin kung sakaling wala na si Roxanne?

Kasalanan din naman niya na hinayaan niyang maging close sila ni Roxanne. Katulad niya, kasalanan di niya kung bakit naging ganito ang sitwasyon nila.

Nakita ni Roxanne na nakatingin sa kanila si Duncan mula sa malayo.

"Bosing" Tawag niya. "May kailangan ka?"

Ngumiti ito. Napapadalas na talaga ang mga ngiti ni Duncan. Tuloy kapag matutulog na siya, ito ang naiimagine niya.

"Wala naman, I'm just happy seeing you teaching them. Hindi k aba nahihirapan?" Lumapit na ito sa kubo.

"Okay, time out muna kids, maglaro muna kayo."

"Yehey!" Sigawan ang mga ito at nagkanya-kanya ng takbo.

"Hindi naman Bossing, mas mahirap kang turuan kesa sa kanila eh."

"Ganun? Iba namang lesson ang gusto ko eh." Pilyo niyang sagot sa pang-aasar ng dalaga.

Isa pa yun sa pinagbago ng Bossing niya. Nakakasakay na sa mga biro, hindi na ganun kapikon.

"Asus! Eh anong lesson yun aber?"

"Gusto mo mamaya, turuan mo ako, o kaya ikaw ang tuturuan ko." Pilyo itong kumindat.

"Ewwwww Bossssinng, you're so x rating." Bakit naman kasi naisip nito na biruin siya ng ganun. Hindi siya sanay, hindi siya komportable. Hindi na nga siya at ease kapag magkadikit sila. May malisya na kung baga. Hindi nga nila pinag-uusapan ang nagyari sa kanila.

"Hahahaha! As if naman ayaw mo." Ngumisi si Duncan.

Kanina pa pala nakatingin at nakikinig sa kanila si Kate.

"Tita Beauty, Papa, ano po yung X-Rating?"

Napakamot ng ulo si Duncan. Natawa naman si Roxanne. Nakalimutan nilang  may bata pala.


Ang Promdi At Ang ProstiWhere stories live. Discover now