NINETEEN

33.6K 794 34
                                    

Addmy official facebook account (char!) Xian Randal

OfficialTwitter Account (Char ulit!) @XianRandal

OfficialGroup Page (where you can interact with my characters, their operators, andother readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

NINETEEN

Antok na antok na si Roxanne ng gabing yun ng biglang makarinig ng mahihinang katok. Akala niya eh guni-guni lang pero nung marinig ang boses ni Duncan ay nagising siya. Naka pajama na rin itong pagbuksan niya at walang pang itaas. Bakit naman kasi ganito pa ang outfit ng Bossing niya, paano pa siya nito makakatulog muli?

Wala namang plano si Duncan na kumatok, pero ewan anong pumasok at ginawa niya yun. Halatang nagising niya lamang si Roxanne ng pagbuksan niya.

"Bakit Bossinng?" Naghikab pa ito.

"Maghanda ka ng mga gamit mo, mag da-Davao tayo bukas."

"As in bukas na talaga Bossing?"

"Hindi mo ba ako narinig?" Pagsusuplado nito.

"Sinisiguro lang. Anong gagawin natin dun? Wala namang farm dun." Nagtataka siya, ang alam niya kasi, si Drew ang namamahala ng negosyo ng magkapatid sa Davao at Manila, pero hindi sumagot si Duncant. Napatingin lang ito sa dibdib niya.

Nanlaki ang mga mata ni Roxanne. Nakalimutan niyang mag robe man lang. Ang nipis nipis pala ng sando niya dahil lumang-luma na tapos nakapanty lang siya. Kaya pala biglang pinagpawisan ang kaharap.

Blags!

Pinto na lang ang kausap ni Duncan. Bigla kasing nagsara ang dalaga. Napangiti siya, paano ba naman ang ayos nito. Nakakatayo ng ano...buhok. Nakarinig na lang siya ng sigaw sa loob.

"Sandali Bosing, mag gogown muna ako!"

Ilang minuto pa ay bumukas ulit ang pinto. Naka robe na ang dalaga.

"Sorry bossing ha, wag ka kasing kumatok ng nakahiwalay na yung maganda kong katawan sa kaluluwa ko."

"Akala mo naman hindi ko pa nakita yun." Bulong ni Duncan, which made Roxanne blushed.

"Sige na Bossing, ano ulit yung para bukas?"

"Ang sabi ko, pack your things, mga para sa isang linggo, magbabakasyon tayo sa Davao, kasama ni Kate. Aalis tayo bukas ng lunch time."

Napakamot siya ng ulo. "Hindi pa nga ako nakakalaba ng mga damit ko." Reklamo niya.

"Huwag ng maglaba, kung wala ka ng damit eh 'di bumili tayo."

Or better yet, wag ng magdamit. Gusto niya sanang idugtong.

Biglang pumasok sa isip niya si Mike. Nakapag promise nga pala siya ng isang date dito.

"Matulog ka na, mahaba-haba ang biyahe natin."

"Okay Bossing."

She was about to close the door ng ---

"Roxanne."

Pagharap niya, siniil siya ng halik ng Bossing niya. Isang napakasarap at heaven na heaven na halik. How she missed those lips! Ilang Segundo din ang tinagal ng halik nito.

Bitin na bitin na binitawan siya nito.

"Sleep hardheaded lady." Tila lasing na sabi nito. "Goodnight." At tumalikod na.

"Bossing naman kasi eh, bakit halik lang." Nasabi na lang niya.

Malapad ang ngiti na pumasok sa kuwarto niya si Duncan.

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon