EIGHT

30.8K 889 50
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

EIGHT

Duncan woke up around 5am. Akala niya mas mauuna siyang magigising kay Roxanne, but she was awake already. Nawala yung antok niya nung makita niya itong nakatuwad at naglilinis ng sala. Wearing a short shorts na ewan ba niya kung kasing ikli rin nito ang panty at isang napakanipis na sando. Walang bra!

Itinali ng walang suklay ang buhok at ang agang nakakolerete na ang mukaha.Hindi niya alam kung sasakit ba ang puson niya o ang ulo niya o ibang ulo sa nadatnan.

"Good morning Bossing!" Masaya at hyperactive na naman ito, para bang walang nangyari kagabi.

"What the hell is up with you?" Inis na sabi niya.

"Ha? Bossing, Tagalog -Tagalog rin tayo pag may time." Nang-aasar na sabi nito.

"Look at yourself. Nananadya ka ba?" Namomroblema pa nga siya kung paano ito harapin tapos ganito ka bulgar ang suot nito.

"Bossing naman, ilang araw na akong naiinitan sa mga pinagsusuot mo sa akin." Naghikab pa ito kaya mas lalong bumakat ang dibdib sa masikip na sando.

What the hell! "I'm warning you Roxanne, pauuwiin kita ng Manila kapag hindi ka nagpalit." He looked so serious. This lady in front of him doesn't know what she's doing. Ilang libong kontrol na ba ang ginawa niya?

"Oo na bosing. If I know, crush mo na ako." Nagmarcha ito pabalik ng kwarto.

Napakapit si Roxanne sa dibdib niya nung makapasok sa kuwarto. Hiyang-hiya kaya siya sa pinaggagagawa. Hindi niya maisip na kaya niyang ipakita ang halos buong katawan niya kay Duncan. Yun lang naman kasi ang naisip niyang paraan para mawala yung 'awkward moment' nila kagabi. Alam niya, babalik ang pagkasuplado nito sa kanya kapag ganun ang ayos niya.

"Tiis lang Roxanne. all is well!" She cheered herself. Nagpalit na siya ng oversized shirt, at nag bra.

Duncan went back to his room to take a cold shower. Roxanne had really an effect on him. He felt his sudden hardness kanina kaya para hindi halata ay nag gagalit -galitan siya. Luto ang almusal ng lumabas siya. Sinangag at tuyo. Hindi sunog at masarap ang pagkakaluto.

"Sorry about what had happened last night. I was just drunk." Sabi niya. Alam niyang kailangan niyang humingi ng paumanhin sa mga nangyari kagabi.

"Wala na yun Bossing." She did not look at him.

"Okay, if you really like Rafael, I would not go against your relationship, but please be very discreet about it." Napag-isipan na rin niya ang mga bagay na 'yun. Hindi naman niya mapipigilan kung makipagrelasyon man ang sekretarya sa kahit kaninong nais nito. Personal na buhay na iyon, labas na siya.

"Bossing naman, hindi ko siya gusto." Totoo naman yun. "Ikaw ang crush ko, hindi ba?" Dugtong pa niya.

Tinitigan na naman niya ito ng masama, eto na nga ang dating makulit niya na sekretarya. Talaga sigurong ganito na ang kaharap. Pero kung titignan mo, kahit gaano ito kagalawgaw, kahit pa hindi niya maintindihan ang fashion statement kung baga nito, makikita mong may mabuting kalooban si Roxanne. Masayahin at maalaga lalo na kay Kate. Hindi niya makita ang mga ugaling sinsabi ni Faye sa kanya. O marahil dahil nasa probinsiya ito at nababantayan niya kaya hindi nito magawa ang mga dating ginagawa.

Ilang araw ring walang mga binatang aali-aligid sa bahay niya. Si Mike ay bumalik na ng Maynila, kailangan na kasi siya sa trabaho pero narinig niya ang sinabi nitong magkikita raw silang muli ni Roxanne kapag natapos ito sa kontrata sa kanya.

Ang Promdi At Ang ProstiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora