OS #1

47.4K 974 66
                                    

I.
My Role

HINDI ko alam kung bakit nandito 'ko sa pamamahay ng lalaking 'to.

"Naka-tsamba lang 'yang Miami mo!"

Ah. Pinapunta niya nga pala 'ko rito. Para daw masaksihan ko kung paano mananalo 'yung Spurs niya.

Kaso, ito.

Natalo ang Spurs niya.

Kaya ngayon, nakabusangot na 'yong mukha. Kanina lang napakayabang, e.

"Akala ko ba kaya ako nagsayang ng oras para pumunta sa pamamahay mo dahil ipapakita mo sa'kin na talunan ang Miami ko at panalo ang Spurs mo?" Nakangising tanong ko.

Kunot-noo niya 'kong tiningnan, halatang napikon. "Malay ko bang mandadaya ngayon 'yang Miami mo!"

At talagang sinisi niya pa 'yong team ko? Grabe!

"Sadyang weak lang Spurs mo!" Pangangasar ko. "Ililibre mo pa ko, Paul. Baka malimutan mo." Tinaas-taas ko 'yong dalawang kilay ko na mas lalong nagpasimangot sakaniya.

Dahil kasi sa kayabangan niya, pumusta siya sa'kin bago magsimula 'yong game. Kapag 'yong Miami ko raw ang nanalo, ililibre niya 'ko. Kapag 'yong kaniya naman, ililibre ko siya. Tiwalang tiwala kasi sa Spurs niya.

Napala niya tuloy.

"Oo na. Basta talaga libre ang buwakaw mo." Nagdadabog na sabi niya.

"Nagyabang ka pa kasi." Kibit-balikat na sagot ko at naglakad na palabas. Sumunod naman siya na halatang napipikon pa rin sa resulta.

***

NAKAPILA kami ngayon at hindi mawala-wala 'yong malawak na ngiti sa labi ko. Eat all you can 'to kapag siya 'yong manlilibre.

"Gooda fternoon, sir. What's your order?" Bati no'ng mukang payaso na babae at nakatingin ng malagkit kay Paul.

Ano 'to? Hindi niya ba nakikita ang kagandahan ko?

"Ano bang gusto mo, Mae?" Tanong naman sakin ni Paul, na hindi man lang tinapunan ng tingin 'yong babae.

Pinigilan kong mapangisi at pilit sumeryoso. "Uh, baby." May diing tawag ko. "I want cokefloat, french fries, burger. Large lahat! I-take out mo na rin." Nilambingan ko na rin 'yong boses ko para dama niya.

Tumaas 'yong kilay no'ng babae pero pilit na ngumiti. "Okay, ma'am. Ang takaw niyo naman po masyado. Kawawa naman ang wallet ng boyfriend niyo. Buti hindi kayo iniiwan." Nang-aasar na sabi sambit nito, nakangiti pa rin ng peke.

"Sorry, miss." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Mahal na mahal kasi ako ng boyfriend ko. At hindi kasi ako tumataba. Tingnan mo, mas sexy pa 'ko sayo." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang bewang.

Hindi nawala 'yong ngisi ko dahil alam ko na kung anong susunod.

Magsasalita pa sana siya nang sumabat na si Paul.

"Miss, pwedeng pakikuha na lang ng order namin? Binabayaran ka rito para magtrabaho, hindi para makipagkumpetensya sa girlfriend ko." Seryosong sabi ni Paul at pinilit kong hindi matawa.

Ilang beses na 'tong nangyari at sanay na kami parehas.

Tuluyan nang nainis 'yong babae at padabog na hinanda 'yong order namin.

"Here's your order, ma'am and sir." Nakangiting peke niyang bigay.

"At miss, kung makikipagkumpetensya ka, siguraduhin mong mas angat ka. Para hindi ka nagmumukhang desperada. Siguraduhin mong hindi na bakubako ang mukha mo at wala ka ng unwanted fats. Ayos lang sana kung bumawi ka sa ugali, kaso kahit sa aspect na 'yon pangkalye ka pa rin." Ngumiti ako ng nakaloloko nang makita 'yong manager sa likod niya. "Thank you for the very warm service. We'll make sure we won't visit this branch again." Kinuha ni Paul 'yong order bago namin siyang tuluyang tinalikuran.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon