♛ MEICO #27 ♛

14.6K 307 6
                                    


Rheya Fridge  [POV]

"GoodMorning sir, sorry po at na-late ako."

Agad kong binaba ang bag ko at umupo sa may pwesto, tinignan ko ang tambak na folders na nasa mesa ko. Pagkatapos niyang tumawag saken isang linggo ang nakakaraan hindi ako agad nakapasok dahil umiiyak si baby henrina pag hindi niya ako nakikita, kaya ang resulta imbes na pumasok ako ng kinabukasan din ng araw na yun hindi ako nakapasok kaya naman nag palipas pa ako ng isa pang linggo, Tumingin ako kay sir knight busy siya sa pagtatype sa laptop niya.

"Magtatrabaho kaba , o titignan mo lang ako?"

Nagulat ako ng bigla nalang magsalita si sir, umiling ako sa kniya naiitindihan ko siya kung ganyan ang kaniyang pakikitungo saken, sino ba naman ang may gusto na ang secretary mo ay nawawala ng isang linggo, nagtaka nga ako bakit hindi nalang niya ako pinalitan eh.

Tumayo ako at coffee track at naglabas ng dalawang tasa saka ako nagtimpla ng dalawang kape, nilagay ko sa tray at pumunta sa harap ng mesa ni sir, he didn't bother to look at me nilapag ko nalang ang kape sa may mesa niya.

"Sorry sir kung ngayon lang po ako pumasok."

Then nagbow ako sakniya, umupo ako ulit sa pwesto ko at nagsimulang basahin ang mga folders. Kailangan kong bumawi sakniya, nagbasa lang ako ng nagbasa hindi ko na napansin na lunch break nap ala, kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko kayang tumigil dito masyadong madami ang mga papers dito, I was about to open the one folder ng may humila noon. Pag-angat ko ng tingin, nakatingin na saken si sir knight nakapatong sa mesa ko ang mga kamay niya at nakatingin ng daretcho saken.

"Ma-may papagawa po ba kayo sir?"

Tanong ko at kumuha ng isa pang folder, oopen ko sana ulit ng bigla niya yon hilahin. Pumikit ako ng mariin, bago ako tumingin ulit sa kniya.

"Yes, lunch break na kumain kana."

"Bu-busog pa po ako sir."

Yumuko ako ulit at kumuha ng isa pang folder, ayokong sayangin ang araw na'to kelangan kong makabawi sa company ni sir.

"Kumain kana, o oorder ako tapos susubuan kita?"

Napatigil ako sa pagbabasa ng bigla niya yun sabihin, umikot siya at pumasok sa pwesto ko, dahil swivel chair ang upuan ko, pinaikot niya yon at tinigil sa harapan niya, napalunok ako na ngayon ko lang napansin na yellow nanaman ang kulay ng buhok ni sir. Nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa may armrest ng upuan ko.

"Hindi ako galit sa'yo rheya sa hindi mo pagpasok ng isang linggo, ayoko namang pabayaan mo ang sarili mo."

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at sa boses niya, kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kniya saka ko siya tinulak ng mahina, tumayo lang siya sa harap ako, at ako naman tumayo na din saka ako nagbow sa kniya.

Ppipihitin ko na sana ang doorknob ng bigla siyang magsalita kaya naman napakahigpit ang hawak ko sa doorknob ng pinto.

"Nagkabalikan na pala kayo ng baliw mong boyfriend."

Nanlaki ang mata ko, hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa tono ng pananalita niya na kaparehong-kapareho ng boses noon na tumawag saken sa may eroplano. Sinubukan kong lunukin ang laway ko na parang bumara sa lalamunan ko, humarap ako sa kniya my hands and my body was shaking, natatakot ako mas doble pa ang takot na dala ni luther saken noon.. . tumingin ako sakniya nakayuko siya habang nasa bulsa ang kaniyang magkabilang kamay.

"Oooh, you seem you found out something."

"A-alin po?"

"Wala, tara na."

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon