♛ MEICO #17 ♛

21.1K 455 91
                                    

Rheya Fridge [POV]

Maaga akong nagising at ginawa ang mga rituales ayokong malate sa interview na magaganap mamaya, kaya naman 6:30 palang lumarga na ako at pumunta doon sa weird na kainan na yon, pagkatapos kong bumili ng ilang damit na kahit sa mumurahing tiangge lang para may maisuot ako at yung office uniform ko na binalikan ko doon sa condo ni luther na buti nalang at di pa kinukuha ni rina.

Nakarating ako sa weird na kainan, goodthing at nakaopen na sila kaya bumaba na ako dahil dito nalang ako maghihintay hanggang dumating ang oras.

"Ay! ineng anong iyo?" tanong nung ale ng makalapit ako sa counter nila tumingin ako sa menu nila sa taas.

"Kanin po tsaka menudo pati po kape." ngumiti ako sa kniya pero napansin ko ang trabahador nila na kita ko mula sa pwesto ko ang kusina nila na nakangisi sa ken, di ako nakagalaw dahil kapareho ito ng pamilyar na pakiramdam na nag bibigay ng kilabot saken , tinalikuran ko na siya at umupo sa isang mesa na nandoon ng iserve saken ang pagkain ko pinigilan ko si manang.

"Manang sino po yung trabahador niyo sa loob? yung naghuhugas po ng plato." tanong ko habang nakatingin sa loob nung parang pinaka kusina nila.

"Aaah, yun ba? resident on train ang batang yun ewan ko ba bakit sa ganitong kainan pinagtrain ang batang yan pwede namang sa mga class a na restaurant. siya si king rook androda, oo nakatatandang kapatid ni sir knight." napalunok ako.

"Ki-kilala niyo po si sir knight?." tanong ko habang lumulunok pa.

"Aba'y oo sinong di makakakilala sa mabait na batang yon?." tumingin siya sa labas ang tingin niya nakatingin siya sa building katapat ng kainan nila kaya nagtataka kong tinignan ang ale.

"Ano pong meron diyan?." turo ko sa building habang nasa ale ang paningin ko.

"Si sir knight ang may-ari niyan." pagkasabi non ay iniwan na ako nung ale, kung si sir knight ang may-ari nun di ko na kelangan pang maging mahiyain dahil ka-close ko naman si sir, kaso ang inaalala ko ay yung halos isang buwan akong di pumasok sa kniya na walang resignation paper na pinasa, at yung pag iwan ko noon sa kniya sa spain, binalik ko ang tingin ko sa loob nung parang pinaka kusina nila at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko yung king rook daw na nakasandal sa pintuan habang daretchong nakatingin saken, nanginig ako ng magsimula siyang maglakad sa pwesto ko habang pinupunasan ang mga kamay niya gamit ang isang puting twalya na maliit, yumuko nalang ako at nagpanggap na busy sa pagkain ko, isusubo ko na sana ang kutsara na may kanin ng may isang kamay na pumigil sa kamay ko, pag angat ko ng tingin nasa harapan ko na ang lalaking to.

"Bago ka ba dito?." tanong niya at umupo sa tapat ko.

"O-opo, napa-aga lang dahil may interview po ako sa hudson co-company." di ko alam pero nagkusang manginig ako, pati boses ko naapektuhan tinignan ko ang mga kamay ko na nakapatong sa mesa, their shaking kaya naman binaba ko sila at nilagay sa hita ko.

"Ah ganun ba? pangalan at edad mo?." napaangat ako ng tingin sa kniya na ngayon ay deretchong nakatingin saken, napalunok ako.

"R-rheya Fridge po, 23 na p-po ako." ghad! please umalis kana! ayokong mag assume pero parang kompirmado ko na, na ang pakiramdam na pamilyar na sakeng ito. yung mga time na may nakatingin saken mula sa malayo, yung lalaki sa labas ng eroplano, ang panaginip ko kagaya ng nararamdaman ko ngayong kaharap ko ang taong to.

"Hey! why are you shaking?." umiling ako, lumunok muna ako ng ilang beses at huminga ng malalim inangat ko ang ulo ko para tignan ang oras 7:02 na hindi pa ako nakakasubo sa pagkaing binili ko.

"N-nothing s-sir." sinubukan kong iniangat ang isang kamay ko para kunin ang kutsara but hell! it keep shaking!!! kaya naman kelang ko pang kunin ang tinidor.

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon