♛ MEICO #1 ♛

85K 1.5K 440
                                    

RHEYA FRIDGE [POV]

Nasa may canteen kami sa labas ng building kung saan kami nagtatrabaho medyo di ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko may mga pares ng mata ang matamang nakatingin ngayon sa akin.

"You ok? Namumutla ka."

Nag-aalalang tanong sakin ng isa sa mga ka- co work ko, isang pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

 "Yeah, thanks."

Tsaka ko pinagpatuloy ang kinakain ko pero sa kabila non di maalis alis ang kabang nararamdaman ko, inaangat ko ang paningin ko at ginala ang mga mata ko, nagsalubong ang mata namin ng lalaking matulin na nakasandal sa pader sa may di kalayuan sa pwesto namin.

"Luther?" bulong ko.

"Ha anong sabi mo?" Tanong ni Lance sa akin.

"Ahm.. . wa-wala bilisan mo na diyan Lance, marami pa akong tatapusing mga papeles." nagmamadali kong sabi kay Lance, who's Lance? My best buddy ko sa loob ng opisina.

"Pero sabi mo natapos mo na ang mga ginagawa mo kanina kaya maaga na tayong pumunta dito." nagtataka siyang nagtatanong sa akin.

"Ah – eh." Paano ko ba sasabihin na pinapanood ako ng baliw kong boyfriend! Sheez!

 "Tell me? Anong meron?" tsaka niya ako ini eye to eye contact.

Parehas kaming nagulat o nagulat lahat ng tao dito sa canteen dahil napatingin sila sa pwesto namin ng biglang ibagsak ni luther ang kanyang kamay sa mesa namin ni lance.

"Di niya kailangan sabihin sayo ang dahilan Lance." Matigas na sabi niya kay Lance at matalim itong tiningnan.

"What? Sino ka? Bat kilala mo ko?!" Napatayo si Lance dahil doon, oo nga paano niya nalaman ? ang pagkaka alala ko wala pa akong naipapakilala sa kanya. Bigla akong nakaramdaman ng kaba 'is he stalking me?'  Tiningnan ko siya na ngayon ay di parin gumagalaw mula pa kanina.

"It's not your fucking business Mr. Reid, alam ko ang lahat ng mga taong may Gusto sa girlfriend ko!"

Napantig ang tenga ko dahil doon! Ano daw sabi niya? Inaalam niya lahat ng mga taong may gusto saken!? But Lance is Just my Freaking friend! hindi ako makapaniwala sa lahat ng ginagawa niya!

"Luther ano ba?! lance? Halikana, baka malate tayo sa opisina." Kinuha ko ang kamay ni lance at hinila ito para makasabay na kami ng lakad, pero ng maglakad kami sa tapat niya pinigilan niya ang braso at ako naman ngayon ang tinignan niya ng matalim, seryoso medyo natatakot ako ngayon sa ginagawa niya.

"Hindi ka aalis , kasama ang lalaking yan!"

At bigla niya akong kinaladkad , dere-deretcho kami sa may mens cr ng canteen hinagis niya ako doon sa loob at sinara ang pinto.

"Anong sabi ko sayo? Wala kang ibang titigan, kakausapin, at ngingitian hindi ba?"

Habang sinasabi niya iyon unti unti siyang lumalapit sakin , ako naman nagsusumiksik sa may sulok natatakot na ako! Tumigil na siya sa harapan ko .

"Tumayo ka!"

"A-ayoko!" sinubukan kong lamunin ang takot na nararamdaman ko at pinanatag ang pakiramdam ko dahil feeling ko anumang oras manlalambot ako at ayokong ipakita iyon sa kanya!

"Tumayo ka! Pag hindi ka tumayo diyan Rheya asahan mo di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo, isa-" Nagsisimula na siyang magbilang, kapag nagbibilang na siya ibig sabihin seryoso na siya, kaya naman unti unti na akong tumayo kahit nanginginig na ako. "Very good honey." nakangiti niyang sabi saken tsaka niya bigalang nilagay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. "Stay away to that lance guy, Rheya!" nilapit niya ang mukha niya saken na konting galaw nalang magkikiss na ang mga labi namin.

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon