♛ MEICO #25 ♛

14.2K 330 10
                                    

Rina Parker [POV]

Nakita ko na siya bago niya pa ako nakita, pero napatingin ako sa lalaking kasama niya, kelan pa siya nakauwi dito sa pinas? Oo siya yung nakatatandang kapatid ni luther may kasama siyang isang batang babae, iniisip niyo ba na anak ko yon? Nagkakamali kayo dahil sa pamilyang oxford siya lang ang hindi ko kasundo, tumayo ang kaharap kong lalaki para kumuha ng order at nilabas ko naman ang cellphone ko para kunan ng litrato sina rheya at ang kuya ni luther, maya-maya narinig ko siyang kumanta wala pa ding kupas ang boses niya maganda pa din at masarap pakinggan sa tenga, nakita ko silang tumayo habang karga na ni henry ang anak niya pero umiyak yung bata at nagpapakarga kay rheya, para silang isang masayang pamilya, aaminin ko man o hindi nakaramdam na ako ng inggit sa kaniya alam ko ng hindi tama ang makaramdam ng ganito sa isang tao dahil sabi nga nila INSECURITIES CAN DESTROY YOUR LIFE. Na totoo naman, nawala na sila sa paningin ko ay siya namang pagdating ng lalaking kasama ko, kung nagtataka kayo sino ang kasama ko? Wala just a f*Ck*ng fling, si luther lang ang gusto ko napatingin ako sa cellphone ko at bigla nalang akong napangisi sa naisip ko.

"What was that Grin for?"

Tumingin ako sa kaharap ko nakapangalumbaba siya habang daretchong nakatingin saken, umiling lang ako.

"Nothing, just keep eating I need to go home."

Binilisan ko ang pagsubo, naisip ko bigla ang sinabi ni knight kanina "KUNG MERON MANG NANGYARI SA AMIN HANDA KO NAMAN SIYANG PANAGUTAN, PERO WALA EH." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakarinig sa parang dismayado sa boses niya, umiling ako, ayoko sa naisip ko.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kasama ko, dumaretcho ako sa bahay ni luther at nadatnan ko naman siyang nakaupo sa may sofa niya habang busy sa kakapanood, akala ko ba mamayang gabi pa siya makakauwi? Paano ko nalaman, tinawag saken ni luther na makakauwi siya mamayang gabi.

"Akala ko ba, mamayang gabi ka pa makakauwi?"

Umupo ako sa tabi niya, nasa tv lang nakatutok ang kniyang mata.

"Tinamad na ako sa pinuntahan ko kaya umalis na ako, wala ka bang balak sabihin saken ang nangyari?"

Napalunok ako sa sinabi niya, paano niya nalaman? Ayokong mag jump sa conclusion pero yun ang sinasabi ng utak ko.

"Anong sasabihin ko?"

Nag-iwas ako ng tingin, narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Kung ayaw mong sabihin, ayos lang."

Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya, ako naman naiwang nakatulala. Tinignan ko ang pinapanuod niya, ang video na kinuha niya noong monthsary nila ni rheya, makikita mo ang kasiyahan sa mata ni rheya, I was there too. Nanood sa knila mula sa malayo minsan naiisip ko bakit hindi ako ang nagustuhan ni luther? Pero sabi nga ni shintaro, wala kami sa mundo ng Fiction kaya imposible ang sinasabi ko.

Nilapitan ko ang pintuan at kumatok ako ng iilang beses, pinagbuksan naman niya ako halos matakot ako ng Makita ko ang hitsura ng loob ng kwarto niya, puno yon pictures ni rheya, akala ko hindi na ako matatakot dahil sa nakakita na ako ng ganito, naalala niyo pa siguro ang nasa condo niya hindi ba?

"Now, what rina?"

"Nalaman mo na ba na nasa Pinas na ang kuya mo?"

"What?! Are you kidding me?"

So.. . wala nga siyang alam? Umiling ako sa kniya. "I'm Serious, Luther." Nilabas ko ang phone ko sa pitaka ko at nilagay sa gallery. "Here."

Nakita kong nagaksalubong ang mga kilay niya habang tinitignan ang litrato sa cellphone ko.

"Damn! Kelan pa ito?"

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Where stories live. Discover now