♛ MEICO #10 ♛

33K 678 111
                                    

Shintaro Riomoto/Akutsoko [POV]

Naging tahimik ang buong biyahe namin ni rheya, panaka-panaka ang pagsulyap ko sa kniya madalas ko din siyang makitang nagbubuntong-hininga kaya di ako nakatiis tinanong ko siya.

"May problema ka ba?" naramdaman ko ang pagtingin saken ni rheya kahit na nasa daan ang tingin ko.

"Wa-wala may iniisip l-lang kasi a-ako."

"Ako ba yang iniisip mo?" napatingin siya saken na may nanlalaking mga mata, gusto kong tumawa ng sobrang lakas sa reaction niya.

"Psh! ikaw? iisipin ko? ha! ok ka lang?"

"Hahahaha! pwede ka namang kumontra ah, dami mo pang sinasabi pero kung gugustuhin ko man ako nalang ang isipin mo." nag wink ako sa kniya mas lalong nanlaki ang mata niya.

"Humahanep sa confidence aah?" iiling niyang sabi.

"Syempre siya nga pala sa tropa kilala mo pa ba si timothy?"

"Yung nerd nung third year highschool tayo? OO naman napano?" kunot noong tanong niya saken, ngumiti ako sa kniya.

"May gaganaping party at ako ang tinawagan niya, sabi niya if may contact pa ako sa tropa noon tawagan ko. so ikaw nalang ang tropang may koneksyon ikaw nalang ang invite ko."

Noong high school kami pito kaming mag totropa at si rheya lang ang babae sa grupo namin tinuring namin siyang aming princesa, may mga time pa nga halos apat sa barkada nagkagusto sa kniya, ako? oo aaminin ko isa ako sa mga nagkagusto sa kniya, tinignan ko siya nasa labas na ang paningin niya. kung tatanungin niyo ako if may nararamdaman pa ba ako sa kniya? hindi ko na siya gusto pero mahal ko siya.

"Malapit na tayo rheya."

"Hmm." tumango siya at pinikit ang mga mata niya.

Makalipas ang mahigit dalawang oras na biyahe, nakarating kami sa mansion, tinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng gate namin di muna ako bumaba pinagmasdan ko siyang natutulog, walang pinagbago maganda ka pa din.

"Rheya, hey wake up were here." tinapik tapik ko ang pisngi niya, napadako ang mata ko sa jawline niya na namamaga at sa balikat niyang nangingitim, the hell? anong katarantaduhan ang ginagawa mo kay rheya ha? luther? isa kang malaking gago!

"Hmm. N-nasan tayo?"

"Nandito na tayo, magready kana ok?" nakanguso siyang tumatango saken.

*BEEP BEEEEEEPPP*

Nagbukas ang dambuhalang gate namin, ginarahe ko ang sasakyan ko at sinalubong kami ng iilang mga kasambahay ngumiti lang ako sa knila.

"Okaerinasai Masutā" sabay sabay na nagbow.

"Arigatou, nga pala nandiyan na si Tara?" tanong ko sa mga kasambahay.

"Yes Master. nasa sala po siya kasama ang iilang mga kaibigan niya." tumingin ako kay rheya na bakas ang nahihiya sa mukha niya, palihim ko siyang pinagsadhan ng tingin she looks mess nangingibabaw ang sugat sa pisngi niya na nababalutan ng cloth at yung madugo niyang uniporme! damn you luther!

"Rheya? tara na para makaligo kana at malinis natin ulit ang sugat mo."

"Na-nahihiya ako eh."

"Psh! tara na, ikaw? mahihiya? hahaha! babae ka na talaga rheya malayo kana noon, noon kahit kaninong bahay ang puntahan ng tropa di ka nahihiya nagtutuloytuloy ka pa sa pag pasok."

Nagkamot siya ng ulo habang nakayuko.

"Tara na ok? di kana bago saken ok?" tumango siya at hinila ko ang kamay niya sabay kaming pumasok sa loob, nangingibabaw ang matinis na tawanan sa sala namin.

My Ex is Crazy Obsessed (✓)Where stories live. Discover now