Chapter I

11.9K 104 4
                                    

Ala-una na ng hapon at paalis pa lang si Gene sa bahay nya. Pero gaya ng dati, di sya nagmamadali. Late na ba sya? Hindi. Sabado naman at ang usapan ay "after lunch" sila magkikita ng mga kaibigan nyang sila Leslie at Margaret. Mula sa tinitirhan nya sa Las Pinas, humigit-kumulang dalawang oras ang byahe nya papunta sa tagpuan nila sa isang mall sa Taguig. Nasa isang coffee shop na daw sa tapat ng mall ang dalawang kaibigan habang sya ay palabas pa lang sa subdivision nila. Maaaring late na sya para sa iba lalo na at matrapik pa naman dahil weekend, pero para kay Gene, tama ang oras ng pag-alis nya sa kanyang bahay at magiging tama ang oras ng pagdating nya sa kanilang tagpuan.

Kung si Gene ang tatanungin nyo, ang "after lunch" ay nangangahulugan "merienda time". Kasi ayon sa kanya "merienda ang after ng lunch". Kaya kung ala-una sya aalis sa kanila, at tama ang tantsa nya sa tagal ng byahe, makakasama na sya ng mga kaibigan nya ng bandang alas-tres ng hapon, ang karaniwang oras ng merienda ng mga Pinoy.

Sa totoo lang, di naman nya lagi siniseryoso ang sarili niyang konsepto ng "after lunch", sa mga sitwasyon lang tulad ng meron sya ngayon. Alas-onse ng umaga sya nagising sa kadahilanan ilang araw syang kulang sa tulog dahil sa halos dalawang linggo ng puro OT sa trabaho. Buti na lang at last na yun kagabi. At gaya ng mga nakaraang gabi, halos hatinggabi na din sya nakauwi.

Darating sa susunod na linggo ang mga foreign investors ng kumpanyang pinapasukan ni Gene. At bilang dalawang buwan pa lang na Marketing Head, kinailangan ng team niya magovertime sa loob ng dalawang linggo para lang matapos ang marketing research, plans, strategy, pati mga proposals na hininigi at hinalukay pa nila sa dating Marketing Head. Kung tutuusin, may mga drafts na sya sa lahat ng hinihingi sa department nya. Pero iba pa din pag sasamahan na ng formality. Pakiramdam nga nya ay parang nagsimula sila sa wala. Kung alam lang nya na sa dalawang buwan pa lang nya na pagupo sa bago niyang posisyon ay magpapasyang bumisita ang mga investors nila at kasama pa ang mga taga-labas ng bansa, sana di niya na lang tinanggap agad-agad yun offer. Buti na lang napakaresourceful nya at napatunayan nya yun sa loob ng dalawang linggong pagsubok.

Alas-dos na ng hapon at malapit-lapit na sya sa kanilang tagpuan, mas maaga kesa sa inaasahang nyang oras ng pagdating nang tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Leslie. Limang ring ang pinalagpas ni Gene bago ito sinagot.

"Hello. I believe that I still have an hour. Technically, I'm not late," agad na sagot Gene. Medyo defensive para sa taong late.

"You're not late. Yet."

"Margaret?" biglang sabi ni Gene dahil hindi kay Leslie ang narinig nyang boses.

"Bilisan mo na. F*ck you."

Tumawa si Gene at gaya ng dati nagsimula syang magpaliwanag ng kanyang konsepto ng "after lunch". "Sabi niyo after lunch db..."

"Okay. Fine. Whatevs", iritadong tugon ni Margaret. "Asan ka na?"

"Sa sasakyan ko", pilosopong sagot ni Gene na lalong kinainis ni Margaret.

"Bwisit"

"Mga 30mins andyan na ako."

"Sige. Bilisan mo. Pag na-late ka ng kahit isang minuto. Ililibre mo kami ng dinner. Habang buhay" at mula sa kabilang linya ay narinig ni Gene na pati si Leslie ay tumatawa sa sinabing 'Habang buhay' ni Margaret.

"Naku, uuwi na ako ng 4pm", patawang sagot ni Gene.

"Sige na. bilisan mo. Ingat. Dun ka na magpark sa basement kasi ayaw ko umupo mamaya dyan sa sasakyan mo nabilad sa araw."

Sige, ikaw magbayad ng parking fee. Bye", sabay pindot nya sa Cancel button.

Nakangiti si Gene habang nagmamaneho at napaisip na kaya siguro di sya nagkakalovelife ulit ay dahil kuntento na sya sa dalawa nyang makukulit na kaibigan. Dalawang babae na kahit anong mangyari ay maiinitindihan at naiintindihan sya. Tulad ngayon.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now