Training to Love by Jonaxx

516 11 6
                                    

Gabi gabi, 11 pm ako natutulog. Bakit? Kasi kalimitan ganto ang time na nag- uupdate si Ate Jonaxx ng TTL.

Training to Love??!! Isa sa mga pinaka magandang story dito sa Wattpad!! Seryoso ako. Basahin niyo pa :-)

Ang dami kong natutunan kay Troy. Lalo na sa Art of Seduction. At kapag dumating yung tamang time, gagamitin ko din yang mga yan. Hahaha.

Ang ganda ng story. Ang ganda ganda. Kapag nasimulan mo, hindi mo na kayang tigilan. Iisipin mo na sila bago matulog. Mag iimagine ka na sana meron talagang Troy Ezekiel sa buhay mo.

Ang galing ng author. Sa ibang story, ang daling kumampi. Ang daling magalit sa ibang characters na epal. Ang daling pumili ng bet mong leading man. Pero sa TTL? Lesheee lang. Duduguin na yung utak ko sa frustrations. Hindi ko kayang magalit kay Jayden kasi parang sagabal siya kina Troy at Trisha. Di ko magawang mainis kay Trisha dahil hindi niya agad mapili si Troy. At hindi ko magawang mainis kay Troy dahil pinipilit niya sarili niya kay Trisha.

Bakit? Dahil kahit POV lang ni Trisha yung nagkwekwento, tagos sa laman yung nararamdaman nilang lahat. Napadama ni Ate Jona yung bawat side nila which is sobrang mahirap kasi si Trisha nga lang yung nagkwekwento. Naintindihan ko sila. I feel them.

Tsaka sheteee na malagkit, kung nasasaktan sila, kahit reader lang ako, doble doble yung naramdaman ko. Yung frustration na wala akong magawa para maayos sila. Yung gusto ko silang maging masaya dahil deserving silang lahat.

Yung pagmamahal ni Troy kay Trisha, hanga ako sa kanya. Kasi nung simula pa lang handa siyang makihati. Si Troy Ezekiel Salazar nanghihingi ng konting oras sa babaeng mahal niya? Diba??

Si Trisha. Saludo ako sa babaeng to. Medyo tulad pa kami mag isip. Kung ako nga yung nasa posisyon niya (LOL. Imagine lang) ganun din yung mga gagawin ko at iisipin. Yung pagtama niya muna sa relasyon nila ni Jayden, yung panliligaw niya kay Troy. Kaya sobrang effective ng role niya kasi madaming nakakarelate sa kanya.

At tsaka, si Jayden na walang malay. Hahahaha. Naging biktima silang lahat, pero parang sa kanya yung pinaka sobra.

Basta. Mahal ko talaga ang story na to. Yung mga characters. Ang dami ko din talagang natutunan dito about sa mga bagay bagay. Natutunan ko ding mag comment every chapter dito dahil baka mabaliw ako sa kaiisip kapag di ko nalabas yung mga naramdaman ko.

Kaya Ate jonaxx, thank you po talaga sa pagshe share samin ng story niyo. SOBRA po talagang galing niyo.

******

Nawindang talaga ko sa story na to. Sobrang nakakadala. TRY NIYO. :-)

Stories inside my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon