She's Dating the Gangster by SGwannaB

201 0 2
                                    

Fourth year high school ko siya nabasa, first ever wattpad story na nabasa ko. Di ko pa alam ang wattpad non, sa html ko lang nabasa. Yung mga panahon na yun puro english novel lang ang binabasa ko tapos sabi ni Ate "Charlene may binabasa ako. Maganda, pang teenagers." Sabi ko "English o Tagalog" tapos sagot ng ate ko "Mostly tagalog, may korean din."

Naisip ko, ano ba yan. Di ako sanay. But eventually, sa pagkakatanda ko wala akong magawa ng gabi na yon, di pa luto yung pagkain kaya umupo ako sa harap ng laptop ni ate.

Anong ending? Humingi ako ng copy, nilagay ko sa phone ko. Then nagbasa ako mula 8 pm- 4 am. Tapos ang nakakatawa, iniisip ko pa nung bago ako matulog, "Tutulog na ba ko? Di pa ko tapos. Tutulog o hindi?"

Tama na pagre- reminisce. Balde baldeng luha ang kumawala sa tearduct ko dito. Kasi.... ewan. May something talaga sa SDTG e. Mata- touch talaga yung heart mo ng mga characters.

I dont know how to put into words the feelings I felt when Im reading this story. Di ko talaga alam. Basta parang kinukurot ang puso ko kapag nasasaktan si Athena o Kenji. Yung pakiramdam na hindi ko to titigilan, na kahit ang dami dami kong mababasa alam ko sa sarili ko na nag iisa lang to. Ang unforgettable. Ganun naman talaga diba, kapag mahal mo ang isang bagay, ang hirap i explain kung bakit. I love SDTG. <3

Hindi ko malilimutan ang Sexylove and Lovebabe couple. :-)

Thankyou talaga Ate SGWannaB sa story mo. Ang daming na inspire na ibang writer gawa nito, at ako na open yung door sa pagbabasa ko dito sa Watty. Thank you po talaga :-)

*****

Bili kayo ng book ng SDTG if gusto niyo basahin. <3

Stories inside my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon