Our Real Love by Anne Bernadette Castueras

562 8 8
                                    

Paano nga ba? Hmm. Magkwekwento na lang muna ako. Fan ako ng mga story ni Ate Author. Grabe talaga. Gustong gusto ko talaga ang My Facebook Boyfriend for Real at Stop! In the Name of Love! Amen. Ang light kasi e. Yung kulitan kasi ng mga character. Walang kapantay. Yung mga scene ng mga RD, panalo! Hindi mawawalan ng time na hindi ako tatawa ng sobra. Kaya noong lumabas ang Our Real Love, sobra kong na excite kasi third generation na e. Tapos inaasahan ko na yung approach ay parang tulad sa dalawa.... pero nagkamali ako. Unang chapter pa lang, ang bigat na sa loob. At dahil doon, sobra kong minahal ang story na to. 

Sa plot ng story? Maganda. Ang dami kasing issues na kailangang masagot. Pero hindi overwhelming. Hindi yung tipong mapapa- HUH?! ka na lang kasi wala ka ng maintindihan. Tsaka extraordinary. Bihira ka lang makatagpo ng gantong storyline. Kung may katulad man, may ibang spice e. May kakaibang lasa ang kwentong to. Matamis, mapait, lahat na. Yung masyadong mabigat yung story pero hindi ka matatakot magbasa. Mas maeexcite ka pa dahil you'll definitely crave for more. Tsaka hindi nakakalimutan ng story na to na patawanin ako.

Sa flow ng story? Sobrang maganda.Lahat ng execution ng events sakto. Maiinis ka kapag maiinis si Adeline. Kakabahan ka kapag may mangyayaring hindi maganda. Kikiligin ka kapag naging sweet si Jarette<3 (Bias ko siya. HAHAHA) At hindi ka lang masasaktan, sobra kang masasaktan kapag nahihirapan ang isang character. Ang ganda ng timing ng paglabas ng mga revelation. Kahit minsan medyo nararamdaman mo na na ganito ang mangyayari, magugulat ka pa rin dahil ang galing galing ng author. Oo katulad siya ng iniisip mo, pero somehow may nadadagdag e. At yung nadadagdag na yun, yun yung sobrang nakakaadik. Yung dialogue ng mga characters, sobrang nakakaagaw pansin. Sakto sa bawat eksena.

Ano pa ba? Ahhh. Dito kasi, hindi lang yung story ng main characters ang aabangan mo. Pati yung sa iba. Sa tatlong story kasi ni Ate, eto talaga yung mapapansin mo. Lahat ng story ng mga supporting characters, hindi naeechapwera. Kailanman hindi mo maiisip na, " Ay ang haba naman ng part nina Dare at Manager, tagal ng moment nina Jarette at Adeline." O kaya, "Ang boring ng kwento nina Father at Lilian, sana magusap na sina Jarette at Adeline." Debaaaaa? Kapag binabasa ko yung kanya kanyang part nila, nakakalimutan ko ang pag- iintay sa POV ni Jarett. Dadalhin ka nila sa ibang world, kung saan sila lang yung bida. Sa totoo nga, pinaka iniintay ko sa kanya- kanya nilang story beside kina Jarett at Adeline ang kina Michael- Jenn- Ryder.

At yung pinaka minahal ko talaga sa story na to, yung mga characters. Well- established kasi yung bawat characters. Walang sapawan. Walang malamya. May kanya kanyang pagkakakilanlan. At di matatapos ang isang chapter na wala kang mamahalin sa kanila. Syempre, bias ko talaga si Jarett. HAHAHA. Kasi... mahal na mahal niya si Adeline e. Hindi niya man maipakita sa kanya, lahat ng ginagawa niya para sumaya si Adeline. Kahit siya ang pinaka masaktan sa lahat. Ang selfless . Kahit siya na ang umako ng kasalanan ng iba para lang maging masaya lahat ng mahal niya. Kaya nga tuwing nasasaktan siya, ako na ang pinaka nasasaktan sa lahat ng pwedeng masaktan. Sobra ang impact ng mga characters sa mga reader. Dahil sa magandang pagkakagawa sa kanila, nagiging totoo na sila sakin. Sa amin. Parang hindi na lang simpleng "character" sila, nagiging "kaibigan" na nasasaktan". Tapos ang mga RD, naging parang tropa ko na. Yung mga sa kalokohan nila, parang kasama na ko. Hindi na ko others.

Kaya kay Ate Anne Bernadette, ATE SOBRA PO TALAGA KONG NASASAKTAN SA LATEST UPDATE NIYO. T.T Tuwing naaalala ko, naiiyak pa rin po ako. Swear. Si Jarett kasi e. WAAAAAA! Hindi po talaga ako makarecover. Ang sakit sakit po kasi. Kaya po iintayin ko yung next update. Nakakaiyak po talaga. T.T Salamat po sa story na to. :-)

********

Hindi parin ako makarecover. Why, Jarett? T.T

Stories inside my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon