Seducing Drake Palma by Beeyotch

746 16 10
                                    

Bakit gusto ko ang SDP?

Unang una, light lang yung story. Hindi tulad nung iba na every chapter, masakit sa dugo. Kung gusto mong matanggal ang pagod mo sa isang sobrang stressful na araw sa work, school, galaan, bahay o kung saan man, SDP yung sagot.

Pangalawa, lahat na ata pwede mong maramdaman. Kilig, saya, lungkot, panghihinayang, frustration, Lahat lahat. Whole package. Kahit yung unang arc ng story ay high school pa lang yung mga characters, makakarelate ang mga oldies. Haha. Yung execution ng mga scenes, hindi OA pero hindi malamya kaya nabibigay yung emotions na pwedeng maramdaman. Perfect sa timpla. Swak sa lasa. Panalo sa pakiramdam.

Pangatlo, hindi OA yung kwento. Maayos yung flow ng story. Hindi biglaan yung mga nangyayari. Hindi nangyaring, isang titig lang ni Drake kay Alys, inlove na. Hindi isang kausap lang ni Alys kay Drake, nakalimutan na niya si Sheen. Hindi isang effort lang ni Tripp, mahal na agad siya ni Alys. Hindi isang ngiti lang ni Tripp kay Alys, bestfriend na sila.

At higit sa lahat, napanatili ni Ate Eydee yung personalities ng mga character niya. Hindi tulad ng ibang story na biglang BOOM!! mabait na si guy, mahinhin na si girl etc etc. Si Drake ay si Drake parin. Bihira magsalita, suplado at prangka. Kahit medyo nagiging open na siya kay Alys, alam mong hindi nawawala yung pagiging tahimik niya. Si Alys na childish, inosente, at medyo slow. Ganun pa rin. Kahit nag mature siya, hindi nawala yung trademark niya bilang Alys. Si Tripp KO na, kahit sa second part na siya ng book lumabas mahal ko pa rin. <3 At si Shaira na hindi trying hard yung pagiging bitch, kahit na medyo okay na sa kanya si Alys ramdam mo parin na siya si Pugits.

I really like SDP. But, I love it more.

Yung mga characters. Kyaaaaaah!! Bawat character. Si Drake na kahit sobra akong naiinis sa kanya sa dulo, mahal ko pa rin siya. He made me hate him, at the same time, love him. Ang effective niya sa story.

Si Alys na sa totoo lang e naiinis ako kasi ang slooooooow niya at gawa nung kay Tripp, pero ramdam ko yung frustrations niya. Yung ayaw niya makasakit.

Si Shaira na kahit ganon siya (hahahaha), somehow naiintindihan ko siya. Medyo hanga pa nga ako kasi pinaglalaban niya si Drake kahit wala siyang pag- asa.

At eto na talaga, SI TRIPP NA UNANG LABAS PA LANG SA STORY MAHAL KO NA AGAD. SERYOSO. WALANG HALONG BIRO. Ang selfless niya. Gusto niyang maging masaya si Alys, hindi niya iniwan, lagi niyang pinagtatanggol. At nung nag break sina Alys at Drake, nagpresinta siyang maging rebound para lang mapasaya niya si Alys. Pinaglaban niya, pero hindi niya nakakalimutan kung kelan susuko para sa ikakabuti ni Alys. Kahit masaktan siya, inuuna niya parin si Alys. Wala na siyang ibang alam kundi Alys, andito naman ako e. Handa naman akong saluhin siya, at magpresinta ding maging rebound. Kung hahayaan niya lang ako. :(

So tama na ang tungkol kay Tripp, baka di na matapos to.

At ngayong epilogue na lang ang iniintay, matatapos na talaga ang SDP, mamimiss ko yung pagbasa ko ng every update, nakaupo lang ako at nakatingin sa kawalan . Tapos hanggang sa pagtulog dala ko pa rin yung mga nangyari. Yung kapag nalaman kong may update na nakikipagpatayan ako para lang mabasa yung update. Mamimiss ko yung mga luhang tumutulo, boses na naisisigaw ko, smiles kapag kinikilig ako. Lahat lahat.

Kaya Ate Eydee, thank you talaga sa pag share mo samin ng story mo. Kasi ang SDP talaga nag open ng maraming bagay sakin. Thank you po talaga. :-) Sobra sobra. :-)

Kung magkakaroon po ng book 2, kayo na pong bahala. Susuportahan ko kayo kahit anong mangyari. :-)

Love na love ko talaga ang SDP. <3

********

Hindi kayo magsisisi kapag binasa niyo. SWEAR.

Stories inside my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon