Sa loob ng simbahan

1.9K 5 5
                                    

Ang tunog na klembang ng kampanang paos

sa hila ng lubid,awit ay hikahos,

at sa mga paniking baliktad matulog

dahil sa pangambang ipot ay mahulog.

Sa bawat kuliling nitong kampanilyang

lagi na lang hilo't parang nahihibang

na kahit ang santong pinta sa larawa'y

nagngiting demonyo sa banal na ingay..

Ang iba'y naghikab na parang buwaya

sa bawat pagpalad ng mamisong ostya,

at kahit ang lasa'y sadyang naiiba

kainin mo na lang sa abulo'y nagmula.

Para ng palitaw ang nasa upuan

matapos mabasa itong kasulatan,

"o,Dyos na dakila'y ako'y kahabagan

ipot ng paniki'y aking naluhudan.

Sa di pagsalansang ng aking isipan

sa bitumeng kalmeng pulupot sa kamay,

kung kaylan namuti ang buhok sa pilak

saka naiwika yaong kaligtasan!!

Sadyang di mawari ang katotohanan

sa budhi ng taong krus ang kasuotan,

pa'no maliligtas tanang kasalanan

kung sadyang kapalit salaping sukaban!

O, at "pis be wid yo'y tagal ng naukit

sa puso ng taong punong hinanakit,

kahit sa  kalaba'y piliting isambit

ng makarating ka sa pintuang langit

At bago lumisan sa pook dasala'y

isiping mabuti kung may pinawalang

barya sa abuloy bago ka mamatay

ito raw ay susi sa kabilang buhay!

TulaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt