Tula

504 6 5
                                    

Salamat saiyo, kaibigang tula

ikaw ang dahilan upang yaong diwa,

na nasa damdami't puso na malaya

ay maibulalas ko't mapakilala.

Ano pa ang buhay ng isang makata

kung di makasulat nitong piling obra?

wala ang isipang magandang salita

kung sa pagpapahayag ay salat at bula.

Ano ang indayog kung wala ang tugma

na saliw ay pantig nitong ala-ala?

tula ay ano pa kundi isang luha

na munting dadaloy sa ilaw ng mata.

Ikaw ay kalasag nitong mandirigma

sa bawat kalabang mabangis ang mukha

ang kaanyuan may hindi nakikita

ngunit ang pilantik sa puso'y hihiwa

At huli sa lahat ng bawat simula

ika'y naging gabay laban sa dalita

ng bawat pagupos ng gintong gunita't

tangi pang salamin noong dakong una!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon