aking sinta

500 5 6
                                    

Ang dilag na nais munti kong puso'y

di pangkaraniwan kung magpabugso

ng aking damdaming sa gabi ay lito

kung anong pangalan ang tinataglay mo.

Ikaw'y pintakasi ng aking panulat

kahit inaantok dapat nakadilat,

ang isipang nais ay ang mahandugan

ng isang tulaing mukha mo ang laman.

Makita ka man lang kahit isang saglit

ang ubod ng puso'y hindi magpapalit

ng yaman o ngalan na daling mawaglit

di ang damdaming kong lugod ay ang langit.

sa'king sinisinta, kahit pangarap lang

ang makausap ka'y isang karangalan,

kahit akong aba'y ngalan mo'y di alam

huwag kang matakot ako'y nariyan lang.

Sa lahat ng ganda na aking nakita

ikaw ang nahigit lalo't ang iyong mata'

ngunit, binibini 'wag kang mawawala

pagkat ikaw lamang ang laman ng tula!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon