19

120 7 4
                                    

Dumaan ang tatlong taon we're still together. Today is New year's eve magkasama ulit kaming dalawa celebrating with our family. "What's this?" Naiiyak na sabi ko.


Nakaluhod kasi siya sa harapan ko at may hawak na maliit na box. "Jacqueline, will you marry me?"


Nakaharap kaming dalawa ngayon sa pamilya namin. Ang alam ko simpleng dinner lang ang mangyayari ngayon, hindi ko alam na magapo-propose pala siya.


"Kenneth...." Pinatayo ko siya at niyakap ng mahigpit. "Yes." Bulong ko sa tenga niya.


Binuhat niya ako. "She said yes!" At binaba din ako agad para isuot sa kamay ko 'yong singsing. "Wala ka ng kawala sa akin."


"Aba, Kiko! Hindi pa kayo kinakasal sinasakal mo na 'yang anak ko ha!" Sabi ni Papa.


"Papa naman! Dapat ako ang sumasakal kay Kenneth!" Nagtawanan naman sila sa sinabi ko.



Noong natapos na 'yong party naiwan muna si Kenneth. "Kenneth gusto mo ba dito ka na rin matulog? Doon ka sa kwarto--"


"Doon ka sa guest room." Singit ni Papa.


"Hindi na po. Uuwi din naman po ako agad may sasabihin lang po ako dito sa fiancée ko." Nakangiti na sabi niya. Pumasok na sa loob ng bahay sila Papa at naiwan kami ni Kenneth sa garden.


"Ano sasabihin mo?"


"Wala naman talaga akong sasabihin, gusto lang kitang makasama." Hinalikan niya 'yong kamay ko.


"Ang bilis ng panahon 'no?"


"Sobrang bilis." Sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. "Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito."


Ngumiti ako at tiningnan ko siya. "Daming nangyari noong nakaraan na taon. Pero sa kabila ng mga karanasan na 'yon hindi mo ako binigo na pasayahin."


Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Eto talaga ang itatanong ko sa 'yo. Are you going to invite your Mom to our wedding?"


I promised to myself na aayusin ko na lahat pero ang kausapin ang Nanay ko? Parang hindi ko pa kaya.


"Hindi ko alam. Natatakot ako na kausapin siya."


Inakbayan niya ako. "Matagal pa naman 'yon kaya makakapag isip ka pa, but if you want to talk to her, tell me and we will book a flight to Batanes as soon as possible."


Niyakap ko siya at tumango. "Thank you."


"Para saan pa at naging fiancée mo ko?" Hinalikan niya ako sa noo.



Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon