17

117 8 6
                                    

JACKIE'S POV



Nag-jetski at parasailing kaming dalawa tapos nung dumating sila Tita kumain kami ng dinner. After that umalis si Tita and Tito para libutin 'tong resort kaya kaming tatlo nila Kenneth yung natira dito sa villa.



Nasa loob ako ng kwarto ko nakahiga habang nagi-instagram,nagpost ako ng picture ng sunset tapos nakatalikod kaming dalawa ni Kenneth.



"@jaquelinebernardo: sml 💙🌅"



Nakita ko sa notification ko sa instagram na may nagtag sa'kin ng picture si Kenneth. Nung nakita ko yung picture napatayo agad ako. Stolen picture naming dalawa. Si Kenneth nakatingin sa'kin at nakangiti habang ako naman nakabusangot. Eto yung pinipcturan kami ni Tita kanina noong kararating namin kasi inaasar ako ni Kenneth nalalagyan niya kasi ng sungay yung ulo ko using his hand.



Sa account ni Kenneth he never post a picture of himself nor picture of him with someone basta nagla-like lang siya ng mga picture na tinatag sa kanya. Nagulat ako kasi yung first picture niya ay yung kaming dalawa.


"@kikopadilla: sml 💙🌅"


Ginaya niya pa yung caption ko. Ano na lang yung iisipin ng mga tao? Na kami na? Eh nanliligaw pa lang kaya siya. Nabasa ko yung mga comments ng mga kaklase niya.


"@yvesfloores: Totoo ba 'yan 'pre? Bakit ngayon ko lang nalaman na may syota ka na pala?"


"@dmtrgmb: wtf?"


Hindi ko alam kung anong problema ni Dimitri sa'ming dalawa kasi nakakainis na yung ugali niya. Napairap na lang ako sa comment niya. Tumayo ako at inayos yung sarili ko.


Pinuntahan ko si Kenneth, "Ano yung pinost mo sa instagram?"


"Bulag ka ba, Jackie? Edi picture nating dalawa." Sabi niya.


"I mean bakit ka nag-post ng ganon?"


"Eh kasi account ko 'yon kaya may karapatan akong ipost ang gusto kong ipost." Napakahirap naman kausapin nito eh!


"Ang gulo mo!" Naglakad ako pabalik ng kwarto ko.


---


Nung umaga nag-ayos na kami para pag-uwi namin dahil may pasok kami bukas. Katabi ko ulit si Kenji sa biyahe kahit nga mag-ingay kaming dalawa hindi na nagagalit yung matanda sa harapan namin na si Kenneth. Hinatid nila ako sa bahay at nung nagpaalam na ako sa kanila tumango lang sa'kin si Kenneth kaya sumimangot ako noong nakaalis na sila.


Nung nakapasok na ako sa kwarto ko tumingin agad ako sa salamin at halatang umitim ako. Malapit na yung graduation tapos ang itim itim ko. Maitim naman na ako pero mas umitim ako ngayon!

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon