10

77 6 2
                                    

JACKIE'S POV



Kinabukasan maagang umalis si Papa papunta Batanes kasama niya si Tita.


Lumapit sa'kin si Yaya at hinagod 'yong likod ko, "Hirap na hirap ka na ba, Jacqueline?"


Pinilit kong ngumiti, "Kailangan kayanin, Ya."


"Nandito naman kami kaya 'wag kang mawawalan ng pag-asa ha? Lalo na kung may lalaking handang makipagpatayan sa'yo."


"Ya hindi ko naman kailangan niyan." Iniwas ko 'yong tingin ko at nilaro si Werco.


"Pero sa nakikita ko ngayon kailangan na kailangan mo siya."


"Ayoko ng dumipende sa kanya, ya." Binuhat ko si Werco.


"Bakit ayaw mo na ba sakin?" Nilingon ko kung sino 'yong nagsalita at namalayan ko na wala na pala si Yaya sa likod ko.


Iniwas ko'yong tingin ko sa kanya, "Wala ka bang trabaho?"


"Si Kenji muna ang namamahala ng kompanya."


"'Di ba hindi pa siya graduate?" Nilapitan niya ako tapos hinawakan niya 'yong kamay ni Werco.


"I want to be with you. Kahit naman hindi magseryoso sa pag-aaral si Kenji kaming dalawa pa rin ang mamahala do'n. Hi baby." Nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Werco.


"Can you be specific?"


Tiningnan niya ako, "Gusto kitang makasama hanggang sa mapatawad mo 'ko. Pumayag naman si Kenji kaya I can do everything to bring you back."


Tinawag ko si Yaya at sa kanya muna pinaalaga si Werco.



Hinarap ko siya, "Career mo 'yon Kiko. Hindi mo kailangan mag-leave para lang sa'kin."


"Wala akong pakialam as long as I'm with you." Nakatingin pa rin siya sa'kin. Parang gusto niya akong yakapin pero parang pinipigilan niya.


"Hindi. Ayoko ng ganito. Oo madaming nangyari sa'kin pero hindi naman ibig sabihin no'n pati ikaw madamay na."


"Mahal nga kita, Jackie! Mahirap bang intindihin 'yon?! Kung ayaw mo edi sabihin mo lang na hindi mo na ko mahal ganon lang kadali tapos lalayo na ako sa'yo."


Huminga ako ng malalim, "Bigyan mo pa ako ng panahon Kiko. Aayusin ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa relasyon ulit."


"I already gave you time. Nag tiis ako sa walong buwan tapos ngayong nagiging despirado na akong bumalik ka sa'kin pero ayaw mo pa rin..." Humina 'yong boses niya, "Dahil ba sa Ian na 'yon kaya ka nagkakaganyan? Sa walong buwan naisip mo man lang ba ako? Naisip mo ba sa sarili mo na nahihirapan din ako?"

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon