18

119 10 7
                                    

JACKIE'S POV






I was shocked and unexpectedly pushed him, "What was that?"


"Hindi ko sinasadya, sa pisngi lang dapat kaya lang lumingon ka kaya nagtama yung..."


"Sto-stop. Nangyari na at wala ng maibabalik pa." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Tinakpan ko yung mukha ko kasi nahihiya ako.


Hinawakan niya yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko at tinggal, "First kiss din naman kita."


Dahan dahan akong tumingin sa kanya, "Totoo?"


Tumango siya, "Mukha ba akong nagsisinungaling sa'yo?"


"Oo? Imposible kasi eh. Walang nagkagusto sa'yo kahit na hindi ka kagwapuhan noon?"


"Bakit ikaw? Nagka-boyfriend ka pero hindi ka niya nahalikan?"


"'Wag na nga natin pag-usapan yan." Noong sinabi ko 'yon inasar niya 'ko about doon hanggang umuwi kami.






Noong nakauwi na ako sinalubong ako ni papa, "Boyfriend mo ba yung anak ni Kathryn?" Tiningnan ko siya, "Gusto ko siya makilala." Iniwas niya yung tingin niya tapos pumunta na sa kwarto niya.


Ngumiti sa'kin si Wenna, "He's not against." Sabi niya.


Napangiti ako noong nakapasok na ako sa kwarto ko. Agad ko namang tinawagan si Kenneth at sinabing pumunta siya dito sa bahay bukas.





Kinabukasan wala akong pasok kaya tinulungan kong magluto sila yaya at Wenna.





"Jacqueline mukhang maganda ang gising mo ah?" Bati sa'kin ni yaya.


"May bisita po kasi na darating." Hindi ko talaga mawala yung ngiti sa labi ko.


"Inspired kasi siya manang." Sabi ni Wenna.



"Para naman ikaw hindi inspired kay papa." Sabi ko habang nakatingin sa hinihiwa kong gulay. Natahimik sila, "May mali ba sa sinabi ko? Positive naman yung sinabi ko ah."


"Nako kailangan talaga natin sarapan yung pagkain kasi mukhang itong bisita natin ang dahilan kung bakit nagbabago si Jacqueline." Sabi ni yaya. Natawa naman ako at pinagpatuloy naming yung ginagawa namin.



Nung lumabas na si Papa sa kwarto niya sakto namang dumating na si Kenneth at may dala pang dalawang bouquet of flowers at isang regalo.


Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Suhol ba 'yan?"


Hinalikan niya ako sa pisngi, "Pwede." Inabot niya sa'kin yung isang bouquet.


Tapos lumapit naman siya kay Wenna at Papa. Inabot niya rin sa kanila yung hawak niya. Binuksan ni Papa yung regalo na inabot ni Kenneth, ang laman nun ay isang pen na halatang mamahalin, "Hindi ko po kasi alam yung gusto niyo, pero nabanggit po sa'kin ni Jackie na may bussiness po kayo kaya 'yan po ang naisipan ko."


"Nag-abala ka pa, Kiko." Sabi ni Wenna, "Upo ka muna, pinahanda ko pa lang kasi yung pagkain."



"Meron pa po akong dala eh. Nasa sasakyan kukunin ko lang po." Umalis siya at agad din namang bumalik, "Para po sana 'to sa mga kasambahay niyo." Isang cake ang hawak niya.


Kinuha naman ni Yaya, "Nako ijo! Akala ko hindi mo na ako naalala. Ikaw pala ang rason kung bakit laging nakangiti 'tong alaga ko, nako maraming salamat talaga!"


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon