14

118 9 4
                                    

JACKIE'S POV



Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Kenneth kasi pati ako nagkakagusto na rin sa kanya. Ayokong maging magulo ulit kapag pumasok ako sa isang relasyon lalo na kung may eeksena na naman. Sobra akong nasaktan sa ginawa sa'kin ni Thyro noon kaya hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya. Ayoko ng maulit yon.



Pumasok ako ng school at nakita ko si Kenneth. Pinuntahan niya ako at tinanong kung bakit ako umuwi kagabi, sobra daw siyang nag-alala sa'kin kasi hindi man lang daw ako nagpaalam sa kanya.



Hindi ko siya sinagot kaya hanggang classroom kinukulit niya ako, "Kapag 'di ka pa sumagot may gagawin akong hindi mo inaakala."


Hindi ko siya pinansin. Nanahimik na lang ako at tumingin sa prof namin na nagdi-discuss sa harapan. Tumingin sa gawi namin si prof, "Why are you raising your hand Mister Padilla?"


"Sir I just want to say that Miss Bernardo is not answering my question."


Nagtaas ng kilay si prof, "Is it related to our topic Mister Padilla?"


"No sir, but this girl beside me is not answering my question if she wants to be my girlfriend."


Napatingin ako sa kanya kasi nabigla ako sa sinabi niya, "Hoy, ano yung sinasabi mo?!" Pabulong na sabi ko. Nagbulungan din yung mga classmate namin.


Napangiti naman si prof, "Miss Bernardo please say yes to Mister Padilla because he's interrupting my class."


Tumayo ako, "Hindi po totoo 'yung sinasabi niya."


"Stop denying Miss Bernardo. There's a rumour that Mister Padilla is courting you for a month now." EH ONE MONTH PA NGA LANG KAMING MAGKAKILALA?! ANO YON KAKAKILALA PA LANG NAMIN NILIGAWAN NA NIYA AGAD AKO?!


"Sir may I excuse myself and Miss Bernardo?" Tumango naman si Prof. Kinuha ni Kenneth yung gamit ko at gamit niya tapos lumabas kami ng classroom. Masyadong mabait si prof!


Binatukan ko siya sa ulo nung nakarating kami sa garden ng school, "Siraulo ka ba?!"


"Bakit kasi ayaw mong sagutin yung tanong ko?"


"Hindi naman kasi lahat ng tanong mo pwedeng may sagot!"


Hinagis niya yung bag niya, "Tang-na naman kasi! Tinatanong ko si Kenji ayaw din sumagot tapos ikaw na 'tong tinatanong ko ayaw pa rin! Ayoko sa lahat yung mga taong bigla na lang umaalis ng walang paalam, kailangan ko ng dahilan Jackie kasi naguguluhan na ako sa'yo!" Nakakatakot siya magalit kaya natahimik ako at tiningnan siya. Hinawakan niya yung mukha ko at tinitigan ako, "Sorry." Tapos niyakap ako, "Sorry kung natakot kita."


I'm already sobbing, "Sorry kung hindi ako nakapag paalam." Sabi ko.


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon