Chapter 7

18 0 0
                                    

Nagising si Ems.. na hindi kaaya-ayang bagay ang kanyang nakita. Isang malaking NOOOOOOOOOOOOOOOO!! Napatayo agad siya mula sa sofa.

‘’A-anong.. Saan..’’

‘’Huwag nang maraming satsat pa. I found her stuck inside your old cabinet with tape in her mouth.’’ Tinitigan siya nito ng mataman. ‘’You’re so heartless. Paano mo nagawa yun sa isang walang kalaban-labang hayop?’’

Hindi siya nakaimik. Nakatingin lang siya kay Dog Paul. Somehow, she wants her in her arms. Naawa siya bigla rito ng sobra. ‘’Hindi ko sinasadyang gawin yon sakanya..’’

‘’Hindi ka ba naawa man lang while doing youre little nasty idea? Kung gusto mong makaganti sakin, you can. Basta sa akin lang. Huwag mong idamay si Emerancia dahil mahal na mahal ko siya.’’

Natigilan siya sa sinabi nito. Binalot ng katahimikan ang paligid. What did he just say?! Kahit hindi ako yung tinutukoy niya, pakiramdam ko gusto ko ng magwalk-out sa kilig.

Sa kilig?! OMG, WHAAAAAAAAAAAAAT?!! Mag-walk out sa kilig?! Ewwww!

Huwag mong idamay si Emerancia dahil mahal na mahal ko siya.

Syet Ems stop the crap, what are you thinking?!

ERASE! BURA! DELETE! FORMAT! HACK! POKPOK COMPUTER. TAPON ILOG.

‘’And by the way,  one thing, wag mong kalilimutan yung deal natin.’’ He stepped outside of the house. ‘’Be my slave.’’

Napalunok siya ng malaki. ‘’Labas na!’’

‘’Kung hindi mo gagawin yung deal natin, sasabihin ko kay Mikey na crush mo siya.’’

Nanlaki ang mga mata niya. ‘’Paanong--‘’ pinaghahampas niya ito sa dibdib. ‘’Pakialamero! Hindi ko sinabing pakialaman mo yung diary ko! Pakialamero ka talaga, kahit kailan!’’

Tumawa lang ito. ‘’Kasalanan ko ba? Nakakalat eh.’’

‘’Get out!’’ sabay sarado ng malakas ang pinto. Pero hindi parin ito tumitigil.

‘’Dear diary, nakita ko siya today. Ang saya-saya ko. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang mga ngiti niya. Sana araw-araw ko siyang nakikita—‘’

‘’Shut up!’’

‘’—ang gwapo-gwapo niya talaga dear diary, naiinlab na ako ng sobra dahil siya ang pers lab ko—‘’

 ‘’Umalis ka na nga pakialamerong bakulaw! Sige, iparinig mo sa buong barangay wala akong pakialam, grade two palang naman ako nun no!’’

’Pers lab daw?’’ anlakas ng tawa nito.

My Neighbor's Love.Where stories live. Discover now