Chapter 5

24 0 0
                                    

Sinulyapan ni Ems ang wallclock. It’s already 10:00. Kumilos na siya at lumabas mula sa kwarto dala-dala ang bag na naglalaman ng flashlight, tali, sako, gunting, tubig, tape, at wire. This is it! Ang gabi ng paghihiganti. Maingat na lumabas siya mula sa pinto, bumaba at pinakiramdaman ang loob ng bahay. Mukhang tulog na ang lahat. Nadaanan niya ang Mama niya, tulog sa sofa habang nakanganga. ‘’Naku, yung tv na naman ang nanonood sakanya.’’ Bulong niya sa sarili saka dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas. Nagtago siya mga halaman habang pasilip-silip sa mga kapitbahay. Sisiguruhin niya munang tulog na ang lahat sa bahay nina Paul, mahirap na ang mahuli. Nang masigurong patay na ang lahat ng ilaw sa bahay ng mga ito, inakyat na niya ang bakod na nag-uugnay sa kanila at sa bahay ng halimaw.

‘’Asan na ba yung asong yun? Hindi naman siguro ipapasok nun ang aso sa loob, maarte ang lalakeng yun tsaka isa pa, ayaw ni Tita Dona sa mga aso.’’ Kinakausap niya ang sarili habang pinapaikot sa pailigid ang hawak na flashlight. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang hinahanap niya, nasa gilid ito at nagkukubli sa mga halaman. Linapitan niya ito. Mabuti na lamang at hindi ito tumahol.

‘’Oh, hello my enemy’s dog. Nagkita rin tayo sa wakas. Magtatapos na ngayong gabi ang maliligayang sandali mo.’’ BWAHAHAHAHA! Inilabas niya mula sa bag ang wire at masking tape. Una, tatakpan niya ang bibig nito gamit ang masking tape saka niya ito sasakalin gamit ang wire.

‘’Sssh.. Diyan ka lang ha? Alam mo, hindi naman talaga ako mamamatay aso eh, nagkataon lang na malaki talaga ang galit ko sa amo mo. Eh wala naman akong panalo sakanya kahit anong gawin ko, kaya sayo nalang ako gaganti. He loves you, you know..’’

Tumahol ito ng sobrang cute.

‘’Naku huwag kang magpa-cute sakin kailangan kitang patayin, walang excuses.’’

Umungol lang ito saka nagyuko ng ulo.

‘’Hindi nga nagpa-cute pero nagpapaawa naman! Tsk!’’ tinitigan niya ito. ‘’Hay basta! Papatayin kita!’’ inihahanda na niya ang sarili para sakalin ito nang matigilan siya. Paano kasi, nakapikit na pala ito. Nakatulog na yata. Tinapik niya ito sa tiyan, ‘’Uy, uy! Gising!’’

Pero gumalaw lang ito kunti para ayusin ang pagkakahiga. Tinitigan niya ito. ‘’Paano naman kita mapapatay eh napaka-amo at napaka-cute mo. Hindi gaya ng amo mo!’’ sabay turo sa kwarto nito. ‘’Ang pangit ng ugali tapos napaka-yabang pa! Sana siya nalang yung naging aso para may dahilan akong patayin siya ngayon.’’

My Neighbor's Love.Where stories live. Discover now