Chapter 2

68 0 0
                                    

Ini-strech ni Ems ang isang balikat, teka.. Parang rarayumahin na ata siya! Argh! Hawak niya sa isang kamay ang bimpo na ipinampupunas niya sa pawis at sa isang kamay naman ay listahan ng mga sisingilin niya. Pagod na siya. Dumagdag pa sa pagod niya ang buhat na bagpack sa likod. Pinadala iyon sa kanya ng Mama niya, baka raw kasi may magbayad ng bigas, sayang din. Hayy. Edi sana bigas nalang din ipinautang niya!

Sampung tao ang sisingilin niya pero nasa pangwalo palang siya. May dalawa pa pero parang babagsak na ang seksi niyang katawan. Kasi dapat ang paniningil para lang sa mga Nanay eh! NAKAKA-HAGGARD!

‘’Aling Myrna! Aling Myrna!’’ kinalampag pa niya ang gate.

Maya-maya pa ay lumabas na ito. ‘’O, Emerancia ikaw pala. Maniningil ka ba?’’

Ay hindi, hindi! Susunugin ko ‘tong bahay niyo! Tss. Syempre maniningil ako!

‘’Opo.’’

‘’Sige sandali lang ha? Pasok ka muna.’’ Pinagbuksan siya nito ng gate. ‘’Bakit ikaw ang naniningil ngayon? Asan si Mercy?’’

‘’May appointment daw po eh.’’

‘’Ah ganoon ba. Sandali lang kukunin ko lang yung pera.’’

Nang maibigay nito iyon ay umalis na agad siya. Bilin kasi ng Mama niya, huwag na siyan magtagal para walang makamanman sakanya at baka holdapin siya.

Naglalakad na siya ng makita kung sino ang nasa huling listahan. Mareng Dona. Wow, linagay pa talaga sa huli ‘yung number 1 kapitbahay namin! Nakakainis, ibig sabihin kasi nun, makikita na naman niya ang ipokritong anak nito. Sino pa ba? E di si Paul. Ang hampas-lupang walang ibang ginawa kundi bwisitin siya ng bwisitin. Hayy! Sana naman umalis siya.

‘’Sana Lord umalis yung kumag na yun..’’ paulit-ulit niyang bulong hanggang sa makarating siya doon. Hinihingal na tuloy siya. Kung bakit kasi kailangan pang ibigkas yung dalangin pwede namang sa utak nalang. Ipinindot niya ang doorbell button. (Mayaman kasi!)

Pero nakakalimang pindot na siya sa doorbell pero wala paring lumalabas. Ay, baka nasira yung doorbell. Hindi na gumagana.

Inayos niya ang bagpack, itinaas ang manggas ng kanyang damit, nagpunas ng pawis at nagsimulang akyatin ang bakod. Pinagkiskis pa niya ang palad ng tuluyang makapasok. ‘’Wew, sisiw!’’

Ang dumi, eww. Pinagpag niya ang damit at pasipol-sipol na lumapit sa pintuan at kumatok. ‘’Aling Dona! Aling Dona! Maniningil po!’’ katok ulit.

Bumukas ang pinto at.. ‘’Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!’’ tili niya sabay takip ng mata at mabilis na tumalikod. ‘’Bastos ka talaga kahit kailan!’’

Sino ba naman ang hindi masisindak? Nagbo-boldstar na sa harap niya ang kumag! Tuwalya nalang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. Yuck!

‘’Anong bastos na sinasabi mo diyan? Katatapos kong maligo natural na ganito itsura ko. Teka nga—bakit ka ba nandito ha? Siguro alam mong naliligo ako no? Bobosohan mo ‘ko no?’’

‘’Hindi ah! Bakit naman kita bobosohan, ni hindi ko nga gustong nakikita yang mukha mo!’’

‘’Eh anong ginagawa mo rito? At naka-bagpack ka pa! Malala ka na yata talaga. Ah, alam ko na. Magnanakaw ka dito sa bahay namin no? Patingin nga yang—‘’

‘’Ano ba!’’ iginalaw-galaw niya ang bag para hindi nito iyon mabuksan. ‘’Bigas to!’’

‘’Ganoon ba? At tsaka paano ka nakapasok eh sarado yung gate namin? May duplicate ka no? Magnanakaw ka talaga! Kaya pala nawawala yung mga brief ko sa sampayan!’’

My Neighbor's Love.Where stories live. Discover now