Chapter 6

27 0 0
                                    

l

 -----------------------

‘’Ate, ate!’’ kasunod niyon ay mga kalampag sa pinto ng kwarto ni Ems.

Nagulantang siya na dahilan ng pagkahulog niya mula sa kama. ‘’Arayy!’’ tumayo siya habang sapo ang ulo. ‘’Ano ba yan Billy! Ang aga-aga palang, dun ka nga!’’

‘’Buksan mo dali! May ipapakita ako sayo! May aso na tayo, ang cute!’’

Binuksan agad niya ang pinto. ‘’Huwag mong—‘’ natigilan siya nang makitang buhat-buhat na nito ang aso. Inagaw niya agad ito.

‘’Billy, hindi sayo to okay? Tsaka wag mo siyang ilalabas! Kapag nakita kong inilabas mo siya, sasabihin ko okay Mama yung secret mo! Naiintindihan mo?’’

‘’Bakit? Ano namang masama kung makipaglaro siya sakin sa labas? Natural lang yun dahil aso siya, kailangan niya ng mas maluwang na lugar. Like playground, ganun. Ikaw ate, wala ka talagang alam!’’

‘’Ay basta! Huwag mong hahawakan tong aso ko, kapag nakita kitang buhat siya lalo na kapag inilabas mo siya? Alam mo na kung anong mangyayari.’’

‘’Saan mo ba yan napulot? Bakit biglang nagkaroon ka yata ng interes sa mga hayop?’’

‘’Kasi nasanay na ko sa mukha mo kaya naisipan kong bumili na ng aso. Andami mong tanong, dun ka na nga! Istorbo sa pagtulog!’’ humakbang siya paatras sabay sara ng pinto.

‘’Hindi mo pwedeng ikulong si sitzu ate, alam mo katatapos ko lang siyang pakainin ng isang pinggang kanin tsaka isang basong tubig. Mamaya kelangan na niyang umihi at magpupu, hindi mo yun magugustuhan di ba?’’

‘’Umalis ka na! Alam kong ginagawa ko, wag kang istorbo dahil matutulog pa ako!’’

Hindi problema ang pupu at ihi kay sitzu.. May sariling banyo naman siya sa kwarto. Kelangan lang niyang i-train ito para hindi ito maging sakit sa kanyang ulo. Napagpasyahan niya kagabing huwag nalang patayin ang aso dahil sayang naman, ang kyut. Tsaka maamo naman. Umupo siya sa paanan ng kama at hinaplos ito. ‘’Mula ngayon, dito ka na titira ha? Ako na ang magiging amo mo. ilalayo na kita mula sa amo mo dati, hindi ka nun mahal ni hindi ka nga niya magawan ng bahay alam mo yun? Sakin ka nalang, I’ll take care of you forever. Gusto mo ba yun?’’

Tumahol lang ito.

Natawa siya. ‘’Good boy. Hmm..’’ nag-isip siya habang hinahaplos-haplos ito. ‘’Ano kayang magiging pangalan mo sakin? Teddy? Mali, masyadong baduy. Bantay? Eww, askal name. Hmm.. fluppy? No, you’re not. Ah, alam ko na! Why not use that bastard’s name to be fair? From now on, you will be.. tentenenen! Paul!’’

‘’Arf arf!’’

‘’Good Paul!’’ nakangiting hinaplos niya ito.

ll

---------------------------------

‘’Ma! Nakita mo ba si Emerancia?’’

‘’Baka tulog pa anak, puntahan mo.’’

‘’Hindi siya! Yung aso ko!’’

Ipinantay ni Ems ang palad sa kanyang tenga na aktong nakikinig habang nakangisi. Naku, mukhang nagagalit na ang loko sa paghahanap sa aso nito. Ang sarap naman pakinggan ito kapag nagagalit. Binalingan niya si Dog Paul. Nakahiga ito sa carpet na tila nakikinig rin sa bawat echo ng sigaw na pumapasok sa kanyang kwarto.

‘’Ssshh.. Hinahanap ka na ng bakulaw mong amo. Nagagalit na siya, I lab et!’’ itinaas pa niya ang dalawang kamay na parang tumama siya sa lotto. ‘’Yes!’’

My Neighbor's Love.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora