Chapter 1

76 0 0
                                    

Napamulat ng mga mata si Ems nang makarinig ng malalakas sunod-sunod na ingay. Napilitan tuloy siyang bumangon na kahit nakapikit pa ang isa niyang mata. ‘’Ang sarap ng tulog eh!’’ kakamot-kamot pa sa ulo na aniya. Nakatayo lang siya doon habang pinapakiramdaman ang paligid. Mukhang nawala na yung ingay. ‘’Makabalik na nga ulit sa ka—‘’

POK POK POK POK POK POK!

Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ulit ang ingay na ‘yun. Nang ibaling niya ang tingin sa labas ng bintana, nakita niya si Paul nakahawak ng martilyo, nasa taas ng bubong. ‘’Hi pangit!’’ kumaway pa ito sakanya.

 Tila kumulo agad ang dugo niya pagkakita rito. ‘’Hi mo mukha mo, feeling gwapong ‘to! Ang aga-aga nang-iistorbo ka! Alam mong andami pang tulog!’’ sigaw niya rito, nakalabas na ang ulo niya sa bintana.

‘’Sa pagkakaalam ko, gising na lahat ng kapitbahay sa oras na ‘to. Malay ko bang may isang gaya mong tulog mantika.’’

‘’Tulog mantika agad? Hindi ba pwedeng puyat muna?! Ala una na ako nakatulog kagabi kaya utang na loob! Patulugin mo ako!’’

‘’Edi matulog ka, problema ba ‘yun?! Alangan namang unahin ko pa kapakanan mo, kapag bumagyo edi kami naman kawawa?’’

Grrrrr! Andami-daming araw ba’t ngayon pa nagpupukpok ‘tong bakulaw na ‘to! Nakakainis!

‘’Aba, kasalanan ko bang maraming butas yang bukbuking bubong niyo ha?! Bumili ka nalang kayo ng bagong bubong!’’

Itinigil nito ang pagpukpok at tumingin sa kanya. ‘’Anong bukbukin? Hoy, mas maganda pa ‘tong bubong namin kaysa sa inyo! At sino maysabi sayong may butas ang bubong namin? Ang inaalala ko lang baka kapag bumagyo, tangayin ng hangin. Hindi ka muna nagtanong ‘no?’’ napapailing pa ito sabay balik ulit sa ginagawa.

GRRRRRRRRR! Hindi na siya nagsalita pa. Naiinis na bumalik nalang siya sa kama at nagtalukbong. Pinilit niyang matulog pero mas malakas talaga ‘yung pagpukpok ng bakulaw kesa sa mga boses sa kanyang isipan na nagmamagandang-loob na ipaghele siya para makatulog. Nagtakip siya ng unan sa tenga pero peste! Lahat na ginawa niya, pero wala pa rin!

Galit na lumapit ulit siya sa bintana. ‘’Hoy!’’ turo niya rito.  ‘’Sinabi nang magpatulog ka eh! Hindi ka ba nakakaintindi ha!?’’

‘’Emerancia! Ano bang ingay ‘yan?’’ kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto sa kanyang kwarto. Ang Mama niya iyon. ‘’Kanina pa kita naririnig na sumisigaw diyan!’’

‘’Paano kasi kanina ko pa pinapatigil ‘yang ha—‘’ nabitin sa ere ang pagbuka ng kanyang bibig ng makitang wala na ito doon. ‘’Haa?! Panong—‘’ inilabas niya ang ulo sa bintana at tinanaw ito.

Hindi kaya nahulog na sa kayabangan ‘yung hampas-lupang yon?

‘’Ano bang tinatanaw mo diyan ha Emerancia? Nababaliw ka na yatang bata ka.’’ Aniya nito habang nakikitanaw rin naman. ‘’Ano ba kasi ‘yun?’’

‘’Yung kapitbahay nating bwisit! Nakuu!’’ nanggigigil pang wika niya. ‘’At pwede ba ‘Ma ‘wag mo akong matawag-tawag sa tunay kong pangalan! Ang baduy kaya! Yuck!’’

‘’Aba! Ako ang nagbigay buhay at nagluwal sayo sa mundong ito kaya wala kang karapatan para laiitin ‘yang pangalan ipinagkaloob ko sayo! Ikaw bata ka ha, alam mo ba kung anong oras na?’’ nakapameywang pa ito. ‘’Wala ka man lang nagagawa dito sa bahay! Kain, tulog ka nga lang tapos sa eyebags mo pa napupunta! Mabuti pa ‘yang si Paul, ang aga-aga nagpukpukpok na!’’

‘’Wow naman makalait ang butihin kong Ina! Sige pa, ipagtanggol mo pa ‘yung impaktong ‘yun! Ang aga-aga nang-iistorbo kamo!’’

‘’Wag mong ginaganyan ‘yun, mabait na bata ‘yun no!’’ sumilip ito sa bintana. ‘’Asan na ba siya? Nasa bubong lang kanina yun ah!’’

‘’Mabait pag tulog! Matutulog pa ako Ma, isa ka pa eh! Ano ba ‘tong buhay ko, planeta ng mga istorbo—Aray!’’ binatukan kasi siya nito. ‘’Masakit ‘ma. Try mo!’’

‘’Maligo ka na at ikaw ang maningil ng utang dahil may appointment pa ako sa Municipal Hall.’’

‘’So, kailangan talaga may batok?’’

‘’Tigilan mo na yang kakadaldal mo kung ayaw mong ipaasawa kita diyan ke Paul.’’ Pagkasabi niyon ay dumadausdos na itong lumabas ng kwarto niya.

‘’Ano raw? Ipapaasawa? Sa kumag na yun?! No way to hell! Tatanda nalang akong dalaga ‘no!’’ pumasok na siya sa banyo at naligo.

My Neighbor's Love.Where stories live. Discover now