The 7th Thing. [08 - We meet again]

68.1K 1.5K 40
                                    

8. We meet again.

"Ms. Prieto. Are you listening?" Napatingin ako bigla sa Professor naming halimaw. 

"Opo. I'm listening."

"Good. Then don't daydream." Natawa naman yung ibang blockmates ko. Napasmile na lang ako. Naisip ko na naman kasi si Stephen e.

 It's been 3 years, at alam ko, babalik na siya ngayong September. 

Ready na ba akong makita siya ulit?

Hindi ko siya nakausap sa 3 taong yun, hindi niya kami kinontact. Siguro busy o talagang kinalimutan niya lang kami.

Pati ba ako, kinalimutan niya?

"Class dismissed." Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na.

Lumapit sakin yung kaibigan ko sa Literature class, si Terry, "Ash! Let's go to Archeos later? My treat." Party-girl.

"Maybe next time. I promised my high school friends kasi na we'll bond today e." Nagpout naman siya at nagnod.

"Basta, next time ha! Let's get drunk! Sama ko sila Zia and Steffi." Um-oo na lang ako. Masyadong matanong yun e.

Sa Goldbridge University ako nag-aaral. BA Communication Arts course ko. 3rd year na at happy sa buhay. Kaso, may kulang nga lang e.

Lovelife. 

Maraming nanliligaw sakin ngayon. Believe it or not, mga 6? Pero wala talaga akong gusto miski isa sa kanila.

Siya pa rin naman kasi yung mahal ko e.

*bzzt bzzt*

Chineck ko yung phone ko. 

Fr: Bestie kong pretty<3

Hoy! Later ha. Sa Ice Restobar. 7PM. Lahat ng barkada andun.

Nagreply ako ng OO. Namiss ko na din kasi sila e. :)

Umuwi muna ako sa dorm at nag-bihis. Ng 7PM na, pumunta na ako dun sa place ng meet-up namin.

Andun na silang lahat. Si Ethan, Si Trish, si Troy, si Evo, at si Cleo. Andito rin si Lizelle. 

"Ashleeeeeeey~!" Nagsigawan lang sila at nilapitan ako.

"Namiss ka namin. Ganda mo na ha."

"I missed you too, guys." Iba-iba na kasi kami ng school. Pero syempre, nagkikita pa rin kami.

Umupo kami sa may table malapit sa isang stage. Pwede palang magjamming dito. HAHAHA.

"So, musta?"

"Wait, bago tayo magkwentuhan, hintayin lang natin yung isa pa." Isa pa?

Kumpleto na naman kami diba? Wag niyong sabihin...

"Am I late to the party?" Napatingin ako sa nagsalita.

"S-stephen?"

"Dude! You're back!" Habang naghuhug sila dun. Ako? Nakatulala lang.

Si Stephen Yu, nasa harapan ko ngayon. Gwapo pa rin. Mas gumwapo.

Tumingin siya sakin at ngumiti. "We meet again, Ashley. Musta na?"

"O-okay lang." Bakit parang nabubulol ako kasi kaharap ko siya?

"Let's sit na guys!"

Tumabi siya sakin. Syet, yung puso ko. Kumalma ka!

Pero nung tinignan ko siya, para bang, hindi man lang siya naapektuhan?

Kinalimutan niya na ba talaga ako?

"So, Namiss ka namin, Stephen! Kelan ka pa dumating?"

"Kahapon lang. May jetlag pa nga ako e."

"Magsstay ka na ba dito?" Tanong ni Lizelle.

"No. Bumisita lang naman ako. Dun pa rin ako magtatapos ng College."

"Hanggang kelan ka dito?"

"Hanggang Tuesday." Tuesday? Edi 3 days lang siya dito?

"Ah. Teka, amboring naman! Magtatanungan na lang ba tayo dito?"

"I agree. Anong pwedeng gawin?"

"Let's play Spin the Bottle na may halong truth or dare!" 

Wow. Nice game.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon