The 7th Thing. [06 - Your friends, they are jerks]

78.6K 1.7K 170
                                    

6. Your friends, they are jerks. When you act like them, just to know it hurts.

Lumipas ang ilang buwan, February na.

 Ambilis talaga ng panahon. 

Hindi ako pinapansin ni Stephen. Hindi ko rin naman siya pinapansin e. Masyadong mataas ang pride namin para magpansinan. Nakakainis na nga. Parang, hindi na nga talaga kami pwede sa isa't-isa, nasira pa yung friendship namin.

Wag niyo pala ako tatanungin tungkol kay Angela at Stephen. Ayun, yung dalawa, ang sweet sa school! Palagi silang nag-PPDA. Akala mo, sila lang ang tao sa mundo e. Feeling ko rin, nagkakagusto na rin si Stephen kay Angela. Tama ba talaga naging desisyon ko na magsinungaling sa kanya?

Pero, ginawa ko lang naman yun dahil gusto ko siyang protektahan e.

"Bruha. Pinag-iisip mo na naman?" Tumabi sakin si Trish at Ethan. 

"Wala, napapaisip lang talaga ako."

"Na alin, kung bakit di mo sinabi kay Stephen yung tunay mong nararamdaman?" Binato ko naman sa kanya yung V-CUT kong kinakain. Paepal kasi e. Nag-eemote ako dito!

"Maiba nga tayo, may date ka na ba sa Prom?" 

"Wala pa e." Oo. Prom na namin next week. Nakakainis nga e. Kasi, wala talaga akong gana pumunta sa Prom. May nagyaya ba sakin? WALA. Kahit siya nga e, hindi ako niyayaya. Nakakabanas lang. Oo nga pala. paano ako yayayain nun, e may SURE PARTNER na yun! Letse lang.

"Ako, guess who kung sino nagyaya sakin?" Excited na sabi ni Trish. Sus, sino pa ba, edi si...

"Troy Dela Rosa!" Nagkatinginan pa kami ni Ethan at nag-apir. Nagkakamabutihan na kasi si Troy at Trish. Nakulitan siguro kay Trish. HAHAHA.

"Ikaw, sino partner mo, Ethan?" Napatingin naman ako kay Ethan nun na nagkakamot ng ulo. Oo nga noh, hindi umaasenso lovelife nito e.

"Wala pa rin e."

"Bakit hindi na lang kayo ni Ethan magpartner, Ash? Masaya yun! At least may escort ka at hindi kayo forever alone. TOGETHER ALONE LANG. Haha." Corny talaga. Napa-oo na lang ako. Kaysa naman magmukha akong lonely dun sa Prom diba. 

Atsaka, aasa pa ba ako na ako yung yayayain ni Stephen? Wag na.

Pag-uwi ko, sinabi ko na kay Mama at Papa na Prom na namin next week. Bibigyan na lang daw nila ako ng pera pambili ng dress bukas. Saturday naman bukas kaya ayos lang.

Kinabukasan, Nagpunta ako ng mga 1PM sa ATC. Dumaan muna ako sa bookstore para tumingin ng books, pagkatapos, dumiretso na ako sa dress shop. 

Ang gaganda lang ng mga dresses sa shop na 'to, kaso ang mamahal. Tinignan ko din yung pang-Mens, ang mamahal rin. Ang budget ko lang ay 3,000 para sa dress at shoes. Makakahanap naman siguro ako ng mura lang.

At, sakto nga, nakita ko ang sign na SALE sa may bandang dulo. Pagpunta ko dun, wow, ang dadaming dress! Ang gaganda, pero medyo mura lang. At least dress!

Nakapili na ako. Eto yung napili kong dress (nasa right side) Medyo may pagkavintage siya pero ang ganda. Binayaran ko kaagad at bumili na rin ng high heels. 3 inches lang at pointed. Mas sanay ako dun e.

Nagpunta ako sa KFC after kong bumili. Tinext ko na rin si Ethan na bumili ng corsage. 

Habang kumakain ako, biglang dumating sa KFC yung barkada ni Stephen. Minus Stephen. So si Troy, Cleo at Evo lang andito.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon