The 7th Thing. [02 - Your games]

97.4K 2K 193
                                    

2. Your Games

After ng Summer, pasukan na. Fourth year na ako. Nakakakaba na ewan. Tinignan ko yung section ko na nakapost sa may bulletin board. Nakisiksik na nga lang ako.

4 - Peace ako. 

Kaklase ko si Trish, tapos yung 2 pa naming kaibigan. Pero ang mas nakakagulat...

Kaklase ko si Stephen Yu.

Di ko alam, pero bigla akong kinabahan. Natatandaan pa kaya ako nun? Bakit ko kasi binibig-deal yung pag-akbay niya sakin. Vain lang siguro yun. O epal lang talaga. Singit siguro sa pictures. Ganun lang naman siguro diba?

Pero bakit ko ba siya naiisip?  

"Bes! Lika na. Baka magalit satin si Mdm. Villaruel." pumasok na kami sa classroom. 

Ang ingay. Maraming new faces. Maraming taga-kabilang section. Pero friends ko naman yung iba, kaya okay lang. Tinignan ko pa yung ibang mga magiging classmates ko hanggang sa matuon ang dalawang mata ko ang lalaking iniisip ko simula nung Summer.

Si Stephen Yu. Gwapo at nakangiti. May dimples pa.

Nagkakacrush na ata ako sa kanya e. 

"Class, stand up and wait for your seating arrangement." Naku po, sino na naman ba katabi ko? Sana hindi si Patricia. Yung kaklase ko last year, ang daming kuto nun e.  

Habang nag-aayos si Mdm. ng seats, napatingin ako kay Stephen. Kaso, pagkatingin ko sa kanya, nahuli niya akong nakatingin sa kanya!

Teka, tinitignan niya rin ako? Ganun yun diba?

"Ms. Prieto, tabi ka kay Mr. Bunsoy." Pumunta ako sa may harapan at katabi ko nga si Ethan, kaklase ko rin last year. Tahimik 'to e. Hindi ko siya close. 

"Hi." Napatingin naman ako kay Ethan. Nag-hi siya sakin? Bago yun ha.

"Hello rin." Tumingin ako ulit kay Stephen at nakita kong katabi niya yung malanding classmate namin. Si Angela. Nabadtrip tuloy ako. Di ko alam kung bakit. 

"May gusto ka ba sa kanya?" Napatingin ako sa katabi ko. Nagsalita siya ulit? Bago yun ha.

"Hindi ah. Nagkataon lang na napatingin ako sa kanya." 

"Ah." Hindi ko na lang pinansin si Ethan pagkatapos nun. Makatanong e. Hindi pa naman kami close.

Pero gusto ko na ba talaga si Stephen? Crush siguro. Pwede pa. Pero gusto? Malabo. Hindi ko pa nga siya kilala e.

"First row. Introduce yourselves."

Patay, ako pala yung unang mag-iintroduce, ako yung nasa dulo ng first row e. Tumayo ako at huminga ng malalim. Tapos nagsmile.

"Hello. My name is Ashley Prieto. Call me Ash. That's all." Pagkaupo ko, bigla kong narinig na may sumigaw sa loob ng classroom.

"ANG CUTE MO ASHLEY!" Pagkatingin ko sa nagsalita, si Stephen pala.

Alam mo yung feeling na naparalyze ka? Ganun nararamdaman ko. Para bang, hindi maalis yung pwet ko dito sa upuan na 'to. Ang cute ko ba talaga? Tinignan ko si Trish at aba, kinikilig!

Kinikilig ba ako?

Totoo ba yung sinabi niya, o nantitrip lang siya?

Pagkatapos ng ilang araw, komportable na naman ako sa classroom ko. Medyo masaya naman sila kasama. Kaso, isang araw, badtrip talaga nangyari sakin.

Uwian na nun. Nakatulog kasi ako sa clinic. Ang sakit kasi ng ulo ko nun e. Pagbalik ko sa classroom, Amputs, wala yung bag ko!  

Onti na lang yung classmates ko, kaya naweirduhan ako, saan napunta yung bag ko?

"Ano ba yan. Sinong nagtago ng bag ko?" Naiinis na ako. Bigla akong napatingin kay Ethan, nginuso yung barkada nila Stephen. At ayun, nakangiti sila. Sila ata nagtago ng bag ko. Tss.

"Hoy. Balik niyo na nga bag ko."

"Anong bag? Wala naman samin e." Sabi ni Evo. Kabarkada nila.

"Oo nga. Anong bag ba yun?" Patanong pa ni Cleo.

Tinignan ko si Troy, tumatawa na kasi siya e. Siya yung crush ni Trish. "Nasayo ba?"

"Wala sakin."

"E bat ka tumatawa dyan?"

"Masama bang tumawa?" Letse. Naiinis na ako ha.

Last na napatingin ako kay Stephen. Maingiyak-ngiyak na ako nun. Ang sakit pa kaya ng ulo ko nun. 

Bago ko pa siya tanungin. Inunahan niya ako ng sagot na"Wala sakin, Ash. Hehe." Nabanas tuloy ako at pinagpapalo siya. Naiiyak na ako nun tapos masakit pa ulo ko, pinagtitripan pa nila ako! Bigla na lang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Pagkamulat ng mata ko, yung mukha ni Stephen yung nakita ko.

"A-ah, A-asan ako?" Napaupo ako nun.

"Nasa bahay ka namin. Nahimatay ka kanina e."Pagkatingin ko sa tabi ko, yung bag ko, andun.

"Sorry kung pinagtripan ka namin kanina. Ang sarap mo kasing asarin e." Namula naman ako nun at iniwas ang tingin sa kanya.

"Okay lang yun."

"Kain ka muna. May lagnat ka rin pala e. Bakit ka pa pumasok?" Hinawakan niya yung noo ko. Nakaramdam ako ng kilig? Ewan. Moment ko na 'to e. Hehe. Ang cute niya pala kapag malapitan.

"S-salamat." Kinuha ko yung lugaw at kinain na may ngiti sa labi ko.

Hinatid niya ako pauwi nun. Nagkwentuhan pa nga kami e. Malapit lang pala ang bahay niya sa bahay namin. Sabi niya pa, masarap daw akong kasama. 

"Pwede tayo maging magkaibigan?"

"Oo naman." Nagngitian lang kami nun 

.Tapos nagpaalam na siya. Habang ako, tuwang tuwa pa rin at masaya.

Ilang linggo na ang nakalipas, at ganun pa rin, inaasar pa rin ako ng mga kaibigan niya. Pinagtitripan. Pero yung trip na natatawa ako. Mabait naman pala sila e.

Pero, di ko talaga inaasahan, na sa mga simpleng pangtitrip niya, nagugustuhan ko na pala siya.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon