The 7th Thing. [05 - You make me laugh, you make me cry]

74.5K 1.6K 102
                                    

5. You make me laugh, you make me cry, I don't know which side to buy.


"Anong ibig mong sabihin?"

"I think I love you, Ash, simula last year pa. Ako na nga mismong gumagawa ng paraan para mapansin mo ako." 

"A-anong paraan?" Then suddenly, naalala ko, yung last day of school last year, yung sumingit siya sa picture namin ni Trish? Remember?

"Mas madami pa akong ginawang pagpapansin sayo. Simula First year pa lang tayo, kaso, ewan ko ba, hindi mo ako pinapansin e."

"S-so, anong connect nun?" 

"Ang connect nun, ay, alam mo na mahal kita." 

"Pero, kayo na ni Angela diba? Atsaka, anong ibig mong sabihin na kailangan mo siyang magustuhan?" 

"Basta. Mahirap intindihin at iexplain. Sabihin na lang natin, na iaarrange-marriage kaming dalawa. Kapag tapos na ang graduation, saka kami magpapakasal."

Arrange marriage? Teka, uso pa ba yun?

So mayaman pala talaga ang pamilya nila ni Angela. Kaya pala, pero, bakit ganun?

"So, anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto kong maghintay ka sakin." Bumitaw ako sa yakap niya.

"5 minutes na. Bye." At iniwan ko na siya sa may garden namin. Pero lumingon ako sa kanya one last time at sinabing, "Hindi ko ata kaya yan. Ang maghintay. Paano kung wala naman akong hihintayin?"

Anong sabi niya? Hintayin ko siya? Oo nga, mahal ko siya, at mahal niya ako.

Pero kasi, iba naman ang pinag-uusapan dito e, ang pinag-uusapan dito, ikakasal siya kay Angela. IKAKASAL! Dahil gusto ng magulang nilang dalawa. Sa tingin niyo ba, kaya kong makisawsaw sa buhay nilang dalawa? Makikielam ako?

Pero ang sabi lang naman niya, maghintay ako diba? Pero paano yun kapag naghintay ako, tapos wala rin naman palang mangyayari? Hindi din naman siya mapupunta sakin?

Maghihintay lang ako para sa wala.

Hindi ko alam pero naiyak na naman ako. Tumulo lang ang luha ko hanggang sa nakatulog na ako.

Pagkagising ko, nagtext siya. 

From: Stephen

 May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. 

Psychiatrist? Anong nangyari sa kanya?!

To: Stephen

Bakit? Nangyari sayo?

From: Stephen

Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

Bigla naman akong namula nun. Natawa nga rin ako e. Ang corny talaga nitong lalaking 'to!

Rereplyan ko na sana kaso bigla na namang nagtext ang mokong.

From: Stephen

I love you, Ashley. <3

Bigla akong namula. Di ko tuloy siya nareplyan. Parang naconscious ako bigla?

Pumasok ako ng maaga nun. Habang nasa may locker room ako, nakita ko si Angela. 

Kakausapin ko ba siya o hindi?

"Angela!" Lumingon naman siya sakin at nilapitan ako.

"Oh, anong problema Ash?"

"Can we talk?"

"Sure." Pumunta kami sa may bleachers. 

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"Tungkol sa kasal niyo ni Stephen." Nagulat naman siya at natawa.

"So, alam mo na rin pala yun?" 

"Oo." Nginitian niya lang ako.

"Kahit arrange marriage lang ang lahat samin, matagal na niyang alam na gusto ko siya." Bigla akong napanganga sa narinig ko.

"S-so, ibig mong s-sabihin--"

"Gusto ko siya, tapos mapapangasawa ko siya, ang saya diba? Kaso, kulang na lang, hindi niya ako gusto. Pero wala naman siyang magagawa e." Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Ganito kasi yun, Ash, kung hindi niya ako papakasalan, malulugi ang kompanya ng pamilya nila. Kaming mga Tuazon lang naman ang makakatulong sa kanila e." Ano daw? Palugi na?

"Kaya, Ash. Kung gusto mong hindi mangyari yun, hayaan mo na lang siya. Hindi mo naman siya mahal diba?" Mali ka sa inaakala mo, mahal ko si Stephen Yu.

Kaso, alam kong, masisira siya kapag sinabi ko ang totoo. Masisira kinabukasan niya.

"Oo. Hindi ko siya mahal. Gusto ko lang naman kayo icongratulate e. Congratulations." 

"Good. Oops!" Napatingin naman ako sa kanya, nakangiti siya ng nakakaasar. Tapos tinuro niya yung taong nasa may side niya.

Si Stephen Yu.

Narinig niya yung sinabi ko? Na hindi ko siya mahal?

Nakita kong naging malungkot yung aura niya. Ano ba. Naguguilty ako. Hindi niya naman dapat kasing marinig yun.

"Ash. Hindi mo ba talaga ako mahal?" Tinignan ko lang ang malungkot na mata niya. Sasabihin ko ba na mahal ko siya o hindi?

Napatingin naman ako kay Angela nun, nakangiti pa ang demonyita. Pero, alam ko na ang gagawin ko.

"Hindi kita mahal. Sorry." At umalis ako dun na mabigat ang loob.

Totoo pala ang kasabihang, "Tulak ng bibig, Kabig ng dibdib." 

Mahirap pala talaga magsinungaling sa taong mahal mo.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon