The 7th Thing. [07 - You made me love YOU]

68.9K 1.5K 60
                                    

7. You made me love you

Kakatapos lang ng Graduation. Ambilis talaga. College na ako next year. Grabe. Ang tanda ko na.

At mamaya na yung kasal ni Stephen at Angela.

"Anak. Congrats!" Nagbeso naman ako sa nanay at tatay ko. 

"Salamat Ma, Pa. Para sainyo 'to." Inabot ko sa kanila yung medal ko. Akalain mo yun? Honor ako! Pang-6th. HAHAHA. 

"We're so proud of you."

"Thanks po. Sige po, punta lang po ako kela Trish."

Pagpunta ko kay Trish, ayun, umiiyak ang bruha. 

"Nangyari sayo?"

"Eh kasi naman, graduate na tayo! Baka hindi na tayo magkasama." Niyakap ko naman siya. 

"Baliw. Gagala pa rin tayo noh."

"Oo nga." Hinug rin kami ni Ethan. Etong dalawang 'to. Mamimiss ko talaga.

"Teka, maiwan ko muna kayo ha? Andun si Troy e." Nagsmile naman ako. At nag-wave kay Troy. Sila na po kasi. OO. SILA NA.

"Hindi mo man lang ba ihuhug si Lizelle?" Namula naman si Ethan.

"Oo na. Sige, bye muna." Nakita kong lumapit si Ethan kay Lizelle at hinug siya ng mahigpit.

Buti pa sila, may lovelife. Ako? Wala.

Ang tanga-tanga ko kasi.

"Anak! Let's go na." Lumapit na ako sa magulang ko at umalis na kami kaagad.

Pero sa peripheral vision ko, nakita ko ang pamilya ng Tuazon at Yu, na mukhang masaya.

Bakit kasi ang pag-ibig ko, kalaban ang pamilya?

Pagkauwi ko, naiyak na naman ako. Ikakasal na sila ngayon diba? Ang sakit kaya.

Ang sakit na wala akong magawa para mapigilan sila. Hindi naman kasi ako mayaman. 

Maya-maya, vibrate ng vibrate ang cellphone ko, ang daming nagtext, pigilan ko daw yung kasal, magpanggap daw na buntis ako etc-etc. Ano ba sila!? Hindi naman ganun kadali yun.

Tinulugan ko na lang kahit masama sa loob ko.

Sana, hIndi matuloy yung kasal. Sana...

"Bes! Gumising ka dyan!" Naramdaman kong may humihila ng paa ko, pagkatingin ko, si Trish at Ethan, pati na rin yung barkada ni Stephen. Problema nitong mga 'to?

"Bakit ba!?"

"KAILANGAN MONG HABULIN ANG FLIGHT NILA STEPHEN!" T-teka, Flight? Stephen?

"Hindi ko gets. Nagpakasal na ba sila? Maghohoneymoon na ba sila?" Binatukan naman ako ni Ethan.

"HINDI NATULOY ANG KASAL NILA! PERO LILIPAD SILANG PAPUNTANG AMERICA NGAYON. KAYA GO! SABIHIN MO NA YUNG NARARAMDAMAN MO BAGO MAHULI ANG LAHAT!" Pagkasabi niya nun, parang nagising ang katawang lupa ko. Nagmadali akong mag-ayos at nagpaalam.

"Lika na!" Sumakay kami sa kotse ni Cleo at nagmadaling pumunta ng airport.

"Bakit hindi natuloy yung kasal?"

"Nakahanap ng solusyon yung magulang ni Stephen. Atsaka, ayaw daw nila isakripisyo ang kaligayahan ng anak nila para lang sa pera." Buti naman. 

"U-uhm, i-ilang years sila dun?"

"3 years." Natahimik naman ako nun. Kailangan kong masabi ang nararamdaman ko sa kanya, baka mamaya, mawala pa yung pagmamahal niya sakin. Baka mamaya, makahanap siya ng iba.

"Anong oras ba flight nila?!"

"7:30." Tinignan ko yung relo ko, 6:30! May time pa!

After 15minutes, traffic pa. Peste naman! Bad timing!

Tinry kong tawagan si Stephen pero hindi niya sinasagot. "Shit. Pahiram ng phone Evo." Inabot naman niya sakin yun at tinry kong tawagan si Stephen, hindi rin sinasagot!

"Nakakainis!"

Pagkadating sa airport, tumakbo ako kaagad, hinanap ko si Stephen. Ilang minuto rin yun. Hanggang sa sinabi sakin ni Trish na naka-take off na daw yung eroplanong sinasakyan nila Stephen.

I'm late. Too late.

Napaluhod na lang ako. Bakit ba kasi hindi ko sa kanya sinabi na mahal ko siya?! Nagsisisi tuloy ako.

"S-stephen... Mahal k-kita." At tuluyan akong naiyak. Nagbabakasakaling bumalik yung eroplano dito at bumalik siya sakin. Pero malabo yun.

Paano kung makalimutan niya ako pagkatapos ng 3 taon?

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon