Chapter 19 Part II - Lee Haekyung

812 16 9
                                    

Natupad ni kuya ang lahat ng mga pangarap nya. Pero ang naging kapalit nun ay ang pagsasakripisyo ng mga panahon at pagkakataon na magkakasama kami.

Nagdaan pa ang mga araw... Linggo... Buwan... na hindi namin sya nakakasama.

Nakaschedule sana ang pag-uwi nya ngayong araw na 'to pero hindi na naman matutuloy dahil sa kaliwa't kanang guestings nila sa TV.

Naisip ko na ako na lang ang pupunta sa dorm nila. Inilagay ko ang mga damit ko sa backpack ko. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay mama. Hindi naman kasi nya ko papayagan dahil may pasok pa ako.

PAGDATING SA DORM...

Wow! Talaga pa lang ang lawak at ang laki ng bago nilang dorm O__O 

Hindi kasi ganito kalaki yung dating dorm nila.

Pumindot na ako sa doorbell..

DING... DONG... 

DING... DONG...

Ang tagal naman yatang magbukas.

DING... DONG... 

DING... DONG...

Bumukas na ang pinot at isang cute na babae ang nagbukas. Sino kaya ang babaeng ito? Nakatitig lang sya saken.

"Anneong!" Walang kagana-ganang bati ko sa kanya.

"Oh!!! Anneong!" Nagbow pa sya.

"Asan ang kuya ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ha??" Yung reaksyon ng mukha nya ganito ("o"?) Di ba nya narinig ang sinabi ko? Cute sana kaya lang bingi.

"Ang sabi ko asan ang kuya ko? Si kuya Gikwang." Nakatitig pa rin sya saken. Ano ba tong babaeng to? Abnoy ba 'to?

"Hey miss! Are you listening?" Pinagaspas ko ang kamay ko sa harap ng mga mata nya.

"Oh! Mianhe! Gikwang is not here. He is out for work." Busy pa rin sya? Tss!

Inapasok na nya ako at pinaupo sa sofa.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nya saken. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya.

"Haekyung" Sagot ko sa tanong nya.

"Haekyung? Nice name. Baka mamaya pa makauwi sina Gikwang at ang iba pa. Gusto mo ba ng makakain o maiinum man lang?"

"Ayoko." - ako

Kung may kailangan lang daw ako, sabihin ko lang daw sa kanya. Bumalik na sya sa kusina.

Maakalipas ang ilang minuto...

"Magpahinga ka na lang muna sa Guest's room. Mamaya pa dadating sina Gikwang."

Sinamahan nya ko sa kwarto.

"Basta pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Sigaw ka lang ng JAMIIIIIIILLE!!! ^___^"

Napatakip ako sa aking mga tenga dahil sa pagsigaw nya. Jamille pala ang kanyang pangalan.

"Sige. Maiwan na kita. ^_____^"

Sobrang saya naman yata ng aura nya. Umalis na sya at sinarhan na ang pintuan ng kwarto.

Naupo muna ako sa kama.

Ano ba talaga ang dahilan at dito ko naisipang pumunta? Anong sasabihin ko kay kuya? Tss!

TOK... TOK...

"Haekyung..." O___O Si kuya Gikwang. Akala ko ba mamaya pa ang uwi nila.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto. At pinapasok ko sya.

Dorm PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon