Chapter 25

586 18 4
                                    

Namili muna kami ng mga pagkain para sa mga bata.  

"Okay na kaya ang mga pagkaing ito sa kanila?" - DW  

"Okay na ang mga ito. Dati masayang-masaya kami sa tuwing may bumibisita samen nun. Sigurado kasing may dalang masasarap na pagkain ang mga bisita para samen."  

"Talaga? Sana matuwa ang mga bata sa dala natin, di ba Ellise?" - YS  

"Oo naman." - Ellise  

Ilang saglit pa ay nakarating na din kami sa wakas sa orphanage.  

Sinalubong kami nina Sister Natividad at ng iba pa.  

Nagkamustahan muna kami at ipinakilala ko ang B2ST sa kanila.  

Inayos na ng B2ST Boys ang mga dala naming pagkain para sa mga bata. Tinipon nila ang mga bata sa covered court ng orphanage.  

"Jamille, salamat sa inihanda nyong ito. Siguradong masaya na naman ang mga bata dito." - Sister Nati  

"Dahil po sa kanila yun.." Sabi ko habang itinuturo ko ang B2ST Boys.  

"Paano mo sila nakilala?" - Sister Nati  

"Maid po nila ako sa Korea. Sikat na grupo po sila dun." - ako  

"Ha? Talaga?"  

"Hmm opo. Nandito po sila para magbakasyon. Ah Sister?? Pwede po ba na sa atin na lang po ang tungkol dun? Ilihim na lang po natin sa iba ang tunay na pagkatao nila sa Korea." Pakiusap ko kay sister.  

"Sige. Maaasahan mo ako." - Sister  

Naisipan ng B2ST na magperform para sa mga bata. Kumanta sila at sumayaw para pasayahin ang mga orphans.  

Kahit hindi naiintindihan ng mga bata ang lyrics ng kanta ng B2ST, makikita sa mga mukha nila na masaya sila at napapaindak sa saliw ng tugtog. Nakipaglaro sila sa mga bata. Tuwang-tuwa ang anim na boys sa pakikipaglaro sa mga bata.  

( 5:30PM, pabalik na ulit kami sa hotel )  

Mukhang napagod ang lahat. Nakatulog na sila maliban kay Gikwang na bising-bisi sa cellphone nya. Marahil naglalaro sya ng games sa phone nya.  

"Baby girl.."  

Tawag nya saken. Kumakabog talaga ang dibdib ko sa tuwing tatawagin nya akong Baby Girl.  

"Ang cute nila nuh?" Pagpapatuloy nya habang ipinapakita nya ang kanyang cellphone saken. Tinitingnan pala nya ang mga pictures namin kasama ang mga bata kanina.  

"Oonga nuh. Ang ganda ng pagkakakuha ng mga larawang iyan." Ipinagpatuloy na nya ang pagtingin sa mga litrato sa phone nya.  

Nakakapagod ang araw na 'to pero sobrang saya naman. Masaya ako na nakarating akong mula sa pamilya na kumupkop saken. Para saken, pamilyang matatawag ang orphanage na yun. Masaya din ako dahil kasama ko ang B2ST boys at syempre dahil na din kasama ko si Gikwang.  

Nakakatuwa titigan ang mukha nya. Makikita mo sa mga mata nya na sobra syang nasiyahan kanina.  

------------------------------  

( Gikwang's POV )  

"Baby girl.. Ang cute nila nuh?" Ipinakita ko kay Jam ang mga pictures namin kasama ang mga bata.  

"Oonga nuh. Ang ganda ng pagkakakuha ng mga larawang iyan." - Jam  

Ang dami naming pictures. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito. Lalo na ang mga larawang magkasama kami ni Jamille.  

"Jam, ting..." Hindi ko na natapos ang aking sinasabi. Naramdaman ko na lang na may dumantay sa balikat ko. Nakatulog na pala si Jamille. Napagod siguro sya.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dorm PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon