Chapter 16 - Ice Bag

922 16 14
                                    

Ano kayang gagawin ko sa kanya?

Hindi sya pwedeng dito sa sala matulog. Ang lamig ngayon. Wala pa namang heater dito. Kelangan din nyang magpalit ng damit.

Kung iaakyat ko naman sya, baka hindi ko sya kayanin. Ang bigat kaya nya. Mahulog pa kami sa hagdan.

Siguradong magigising ang ibang boys at maaabala ang tulog nila. Tss! hindi din ako makakakuha ng damit ni Gikwang. Nasa kwarto nila ang damit nila. Huhu! What I'm gonna do?? T-T

Kung sa kwarto ko na lang kaya sya matulog? May heater din naman dun.

No... No... No... Jamille hindi pwede yun. Saan ako matutulog? Hindi kami pwedeng magsama sa isang kwarto. Babae ako at lalaki sya.

Hay! Eh ano naman? Wala naman kaming gagawing kababalaghan.

Pero.. Hindi !!! Hindi pa din pwede. Pangit pa din tingnan na sa iisang kwarto lang kami.

Kawawa naman kasi sya kung hahayaan ko lang sya dito. Siguradong lalamigin sya dito nang husto. Ako na lang siguro ang matutulog dito sa sofa.

"Gikwang.. Gikwang.. Dadalhin kita sa kwarto. Kaya mo bang tumayo?"

"Uhmmmmm...." Yan lang ang nasabi nya. Hay! Ano pa nga bang aasahan ko? Lasing na lasing naman kasi sya eh.

Inalalayan ko sya papunta sa kwarto.

"H-Hindi ko kwarto to ah.. kekeke ! " Pautal-utal na sabi nya saken. Kahit pala lasing sya alam nyang hindi ito ang kwarto nila.

"J-Jamille.. kekeke! May balak ka saken noh?? keke" Anong balak naman kaya ang sinasabi ng lalaking 'to?

"S-Sorry pero hindi natin pwedeng gawin yung gusto mo, Jamille. Hindi k-ko magagawa yun. Pero.. Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka saken eh. kekeke" Aba ang lalaking 'to.

"wala akong pagnanasa sayo ah. Ang kapal ng mukha mu." Halos pahagis ko syang inihiga sa kama. Nakakabwiset kasi eh. Hay! lasing talaga. Tss!

Buti na lang at hindi ko pa nakukuha sa laundry room at naitatabi ang mga damit nila.

Kumuha ako ng basang bimpo para mapunasan ko sya at makapagpalit sya ng damit.

Paano ko ba huhubarin ang damit nya nang walang malisya?

Ang ganda naman kasi ng katawan nya eh. Lalo na ang kanyang mga abs.

"Ano ba naman tong nasa isip ko?"

Sinimulan ko na ang pagtanggal ng damit nya.

"OHMEEEGHEEED!!! Ilayo mo po ako sa tukso, Lord. Pleeeaaassseee!!!"

Nagniningning ang katawan nya lalo na ang abs nya. ( * . * )

Ang ganda ng view!!!

Pinunasan ko na ang katawan nya.

Pagkatapos binihisan ko na sya.

Tatalikod na sana ako nang biglang hawakan ni Gikwang ang kamay ko.

Hinigit nya ako at napasubsob ako sa dibdib nya.

"Ano ka ba Gikwang?" Tatayo na sana ako..

"Jamille, gusto kita. Gustung-gusto kita."

O__O

Tulog ba sya?

Tiningnan ko ang mukha nya.

Nakapikit naman sya.

Nakiramdam ako kung magsasalita pa ulit sya.

Mukhang tulog talaga sya.

Nagsasalita ng tulog?

Dorm PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon